Chapter Forty

418 15 4
                                    

[Hello, anak]


Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang anghel-anghelan niyang boses. Pinagkrus ko ang isang braso ko bago ako sumagot sa kan'ya.



"Anong kailangan mo?" maangas na bungad ko.




Pag galang para sa mga nakakatanda? Mayroon ako 'non maliban nga lang sa mga parasite na katulad niya. Ang babaeng pumiste sa isipan ng papa ko. Ang babaeng nagpahirap sa'kin ng ilang taon idagdag niyo pa 'yung mapanghusga at spoiled brat na anak niya.



Kaya lumaki akong insecure sa sarili ko dahil sa kanila. Pero katulad ng panahon nagbabago rin ang tao. Kapag nagkita kami ulit ipapangako ko na pagsisihan nila ang pag-agaw sa atensyon ng papa ko at sa lahat ng pang aalipusta na ginawa nila sa'kin.



[Hindi mo ba bibisitahin ang papa mo? Sabi ng Kuya mo nakauwi ka na raw.]




Sa pangalawang beses napairap ako. Nakakasira talaga ng araw ang kaplastikan niya.



I recently found out that my dad was in a coma due to an accident. Sa haba ng panahon ngayon lang sila nangamusta kung saan may kailangan sila!



Bumuntong hininga ako. Ang sarap na nga ihampas 'tong phone na hawak ko sa pader.




"Wala akong balak na dalawan siya, anyways pupunta ako d'yan para kunin si mama."



[Mom, Si ate Mikana ba 'yan? Let me speak to her...




[... Mamaya na Rena... Anak? Kailan kaya kayo magpapadala ng Kuya mo? Kailangan na kasi bayaran 'yung hospital bills ng papa mo.]




Fuck you bitch! The last time na nagpadala ng pera sa inyo si Kuya ginasta niyo lang sa mga sarili niyo. Lakas ng loob niyo mag post ng picture habang nagbabakasyon sa baguio. Putang!na kayo.



Syempre hindi ko sinaboses ang himutok ko bagkus ay pananatilihin ko muna ang imahe ko na isang weakling step-daughter niya.



"We'll discuss it later. Bukas pupunta ako d'yan sa bahay kukunin ko si Mama."



[Anak magkita na lang tayo sa restaurant, alam mo ba matagal-tagal na kami hindi nakakain ng kapatid mo ng masasarap na pagkain...]




[... Oo ate! Sawang-sawa na ako sa can goods and instant noodles] sabat ni spoiled brat.



Napakuyom ako ng kamao sa sobrang inis. Ngayon wala na silang mahuhuthot kay papa kami naman ni Kuya ang pinipiste nila. Kita naman gaano sila ka selfish. Mga dakilang user talaga.




"Bibili na lang ako ng take out gusto ko rin bisitahin ang bahay ni MAMA." I emphasize that word para damang-dama nila na sampid lang sila.



Sa beerhouse kasi nakilala ni papa 'tong bitch na'to.




[Nak, matagal na namin na benta 'yung bahay dahil-]





"WHAT THE FUCK?!" hindi ko maiwasan napamura na talaga ako. Sumulyap ako kay Six na kanina pa nakikinig habang nakasandal sa pader. Nabigla rin siya sa pagtaas ko ng boses.




Rent For Pleasure (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon