Chapter 3

281 8 1
                                    



Congrats 



This is the day I've been waiting for. Ngayon ko malalaman if magiging correspondent ba ako ngayong season. I will offer this day to God, nasa sa kanya na yun kung ano ang plano niya para sa akin. Nasa bahay lang ako buong araw, hindi mapakali.

Some of my siblings went out to do their own agendas. Si Nika na naman ang kasama ko sa bahay ngayon, and her boyfriend, Diego. Oo, may boyfriend din siya. Ako lang yata yung tatandang dalaga dito eh. Habang naglalandian sila ay kabadong-kabado naman ako habang iniisip kung matatanggap ba ako o hindi.


''Ate, Chill'' Nika told me when I was walking back and forth.


Hindi ko siya pinansin ay hinayaan lang siyang magsalita kagaya kagabi. Tinukso ba naman ako buong magdamag kay Dave. Nakitulog pa siya sa kwarto ko para asarin ako. Sa huli ay wala rin siyang napala sa akin at nakatulog na lang din. Umupo ako sa sahig malapit sa lamesa sa gitna ng aming living room. I opened my laptop and checked my email if the announcement will be there. Kaninang umaga pa kami naghihintay dito at ngayon ay pagabi na.

Nag-vibrate kaya napatingin ako, may bagong email nga. Dahan-dahan ko itong binuksan, nakapikit ang isang mata. Nang makitang tanggap ako ay hindi ako nagdalawang isip na tumayo at tumalon-talon habang sumisigaw dahil sa sobrang saya.


''OMG! OMG!'' hindi ko na kailangang sabihin kung ano ang sagot dahil obvious naman na sa reaksyon ko na nakuha ako.


Nagyakapan kami ni Nika at sabay kaming tumalon-talon. Kasabay din ang pagdating nang iba sa amin, tinatanong nila kami kung ano ang nangyayari pero wala akong masabi kundi ang pagsigaw. Si Nika na ang nagpakita sa kanila at mas lalo kaming naging magulo. Magagandang mga salita ang naririnig ko mula sa aking mga kapamilya. Hindi pa nakakauwi si Ate Kim kaya siya ang inutusan ni mommy na bumili ng pagkain para sa hapunan namin. We celebrated that night but we have to end it early because I have to go to school early the next day. Kailangan ko raw magreport.


Maaga akong nagising kinabukasan kahit after lunch pa naman ang usapan. Gusto ko lang talaga maging early dahil alam kong traffic din. Around 9 am na nang makaalis ako ng bahay at dahil nga rin sa traffic ay 11:45 am na nang makarating ako. Dumeretso ako sa faculty room kagaya nang pinagusapan kagabi.


''Hi Kaila!'' bati ka agad sa akin nang mga nakakita.


I also waved back at them and said my hello's. Medyo nahihiya pa ako nung una pero nang tumagal ay naging kumportable rin. Nakasama ko rin sila noong nagpa-practice o nag-aaudition kami dito.I was giggling because of the excitement I am feeling inside. Ngayon ko lang kasi naramdaman na totoo na talaga dahil nung nakaraan ay hindi ako sigurado kung makukuha ba talaga ako.

The moment they gave us our id's, sumigaw ako sa sobrang saya. Nagulat sila sa ginawa ko, pati ako nagulat rin. Nahiya ako bigla pero dahil tumawa naman sila at sinabihan akong cute ay mas lumakas ang kumpyansa ko, cute pala ako ah!

Nagbigay ang mga nagcocoordinate ng mga rules at advice sa mga gagawin. I really listened the whole time because I want to learn something from them that I could apply in this journey I am taking in. It was around 5 pm when we ended, nag-aya pang kumain sa labas at syempre pumayag naman ako. I'm shy in socializing but it's also nice to have people around you that accompanies you aside from family members.

I only texted mom about the sudden changes. Sabi ko kasi kanina uuwi ako nang diretso pero biglang nag-aya eh. She responded ''ok'' immediately. Maybe because she really wants me to go out and to socialize. Well mom, this is the start.

Yakap sa Dilim | KaiDave FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon