"Mr. Dela Cruzzzzz!!! Mahaaaaal!!!"
[Jeciel]
Literal akong napairap habang naglalakad. Andyan na naman siya. Tumatakbo siya, hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Naglalakad pa rin ako, ganun din siya kaso patalikod na mabagal.
"Good morning mahal ko~" Bigkas niya ng may ngiti. Nasusuya ako sa sinasabi niyang Mahal ko. Kadiri.
"Ba't nandito ka na naman?! Hindi ka pa ba napapagod sa pagtataboy ko sa'yo?" Inis kong tanong sa kanya. Umiling siya habang naglalakad. Buti walang tao ngayon dito kundi pag-uusapan na naman ako at ang babaeng ito.
"Hindi ako mapapagod sa pagsuyo at panliligaw ko sa'yo." Bigkas niya. At may nilabas sa kanyang bag. "Jaran!!! para sa minamahal ko!" Ipinakita niya sa akin ang isang balot ng cookies na kung saan ang hugis nito ay puro puso. Tiningnan ko siya ng may pagkasulasok. Hindi niya talaga ako titigilan.
"Ayoko niyan! maraming peanuts!" Bigkas ko at nilagpasan siya.
"Ehhh?! eh si Jesh nga favorite yung cookies na may peanuts ehh. Nilalagyan niya pa nga yun ng peanut butter para lal-"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya, dahil humarap ako sa kanya. "Edi, sa kanya mo ipakain yang lintik na pagkaing yan! hindi yung sinasabi mo pa sa akin na gusto niya ang mga gawa mo!" Sigaw ko at tumalikod na't naglakad. Narinig ko pa siyang bumulong.
"Akala ko pa naman magugustuhan mo..."
—-
[Elaine]
"Wala kang dalang peanut butter?" Tanong ng best friend ko, ngunit bumuntong hininga lang ako.
"Problema?" Bigkas ni Jesh habang nginunguya yung cookies na gawa ko. Bumuntong hininga ulit ako bilang sagot.
"Basted. Hehe." Hinablot ko yung cookies, pati na rin yung kakainin na niya sana.
"Uyy!!! bigay mo sa akin yung pagkain ko!" Sigaw niya na naging dahilan para tumingin ang mga tao sa canteen. I glared at him.
"Pakihinaan ang boses mo." Bigkas ko.
"Wala tayo sa library kaya wag mong pakialamanan ang boses ko kung malakas o umuungol ako." Binatukan ko nga ang baliw. Ha! akala niya ahh. Pinapagreen na naman niya ako.
"Aray naman oh. Kapag ako natanggalan ng utak, sinasabi ko sa'yo makikita mo ito." Sabay pakita niya ng kamao niya. Inirapan ko siya.
"Oh, nakikita ko na. Tapos?" Bigkas ko. "Aba't! tch! akin na nga yung cookies ko! binigay-bigay mo tapos babawiin mo. Tch." Nag make-face ako at nagpapadyak.
"Kasi naman ehh! may problema na nga ako tapos aasarin mo pa ako na Basted. with matching Hehe pa. Ang sakit kaya nun!" Bigkas ko.
Nagpoker-face siya. "So...? siya lang ba ang lalaki sa mundo? marami pang mga lalaki. Katulad ko na lang!" Sabay turo sa kanyang sarili. "Biniyayaan ng puong maykapal ng kagwapuhan!" Inis kong inilabas ang cookies sa bag ko at ibinigay sa kanya. "Kumain ka na nga lang. Nalipasan ka na ehh!" Kaasar naman 'tong lalaking 'to oh.
"Yun ohh!!! tama yang ginawa mo. Hahaha!" Baliw na 'to. Humalumbaba na lang ako, kailangan kong mag-isip kung paano ko mapapaibig ang mahal ko.
"Oo nga pala." Bigla niyang bigkas. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. "Bakit? anu yun?" Tanong ko.
"Bakit ka nga pala nagdala nitong Japanese cookies?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya.
"Para kasi kay Mr. Dela Cruz dapat yan eh." Bigkas ko na naging dahilan para mabulunan siya, kaya binigyan ko siya ng tubig.
"Mag-ingat ka naman kasi. Yan tuloy. Hehe." Natatawa kong bigkas.
Tiningnan niya ako ng blankong expression. "So, second choice lang pala ako sa buhay mo." Literal na napanganga ako. Okay. Ang OA niya ngayon.
"Huwag ka nga! ang OA OA mo talaga. Bakit ka magiging second choice?" Tanong ko. Ang OA niya talaga.
Nagpout siya. "Grabe Jesh!" Sigaw ko sabay takip ng mukha. Ang cute naman ng best friend ko. Nagpapaawa kasi siya ngayon ehh.
"So pang-ilan ako sa choices mo?" Paawa niyang tanong. Natawa lang ako. Ang cute niya talaga kapag nagpapaawa.
"Ano ka ba! wala akong choices. Nagkataon lang na mahal ko si Mr. Dela Cruz. Hindi ko nga din alam kung bakit ko siya minahal sa unang pagkikita namin eh. At saka ang katulad mo ay sobrang nakapahalaga sa akin. Kaya hindi ka choices para sa akin. Dahil kasama ka sa importanteng tao sa buhay ko." Nakangiti kong explain sa kanya.
Bigla siyang yumuko. Hindi ko makita yung mukha niya. "Huy! Jesh!"
"Shet! kinikilig ako." Bulong niya at sumilip ng bahagya sa akin. Napabungisngis ako at ginaya ang posisyon niya. "Ang cute mo talaga. I think. Crush na kita."
BINABASA MO ANG
I'm his Fiance
Teen FictionI'm just a school 'Nerdy' girl who fell for a playboy whose popular in my school. But I don't care, I'll get him and make mine... Because I'm his Fiance... I'll get what I want. Kahit na mahirap. At ito ang kwento ko -- ♥♥♥ Ate Coffee ♥♥♥