• 17

42 2 0
                                    


[Elaine]

"Goodbye Elaine. And see you tomorrow."

"KYAAAAAAHHH!!!"  Pilit kong pinipigil ang pagtili ko, pero hindi ko magawa kasi nga kinikilig ako.

Napansin na rin niya ako.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil titili na naman ako sa kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Thank you destiny!!!" Sigaw ko nang pagkalakas-lakas. Sana magpatuloy lang lahat ng  nangyayaring ito.

Binitiwan ko ang unan ko at umupo ng maayos. Si Jesh, kailan niya kaya ako papansinin ulit?

---

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Nagbabakasakaling makita ko si Jesh na nagpapractice ng basketball para sa tournament nila next month with other universities. Pinaghahandaan ito ng lahat, dahil sa malaking tropeyong nag-aantay para sa mapalad na unibersidad na magwawagi.

Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa isa sa mga benches ng canteen nang hindi ko siya makita. Gusto kong maiyak dahil naalala ko na naman yung nangyari sa aming dalawa. Gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko sa kanya kasi ayokong mawala na lang na parang bula ang pagkakaibigan namin.

"Good morning Elaine." Napaangat ang tingin ko at nakita ko ang lalaki na naging dahilan kung bakit iniiwasan ako ni Jesh.

Si Mr. Dela Cruz.

Ngumiti muna ako bago ko siya kamustahin.  Ngumiti siya nang pagkagalak-galak at umupo sa tabi ko.

"Why a long face? May problema ba?" He asked while looking at me.

Nagyuko na lang ako ng ulo. Gusto kong sabihin na hindi ko makita kahit saan si Jesh dahil alam ko na nagagalit siya sa akin dahil sa mga sinabi kong pangit na mga salita sa kanya. Umiling na lang ako at sinarili ang problemang iyon. Ayoko na may naaawa sa akin kaya mas magandang sarilihin ko na lang.

Nginitian niya ako at hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil siya na mismo ang lumalapit sa akin. Pero paano ko magagawang maging masaya kung wala ang best friend ko para makita niya na masaya ako.

"Irerespeto ko ang decision mong huwag sabihin sa akin ang problema mo. But for now, samahan mo muna akong mag-breakfast. Nagugutom na kasi ako eii." Bigkas niya habang hinihimas-himas niya ang kanyang tiyan.

I blinked twice bago mag-process sa utak ko ang sinabi niya. Breakfast date ba ang tawag dito? O nag-iimagine na naman ako.

Pero bago pa ako makasagot ay hinaltak na niya ako papuntang canteen.

--

"Hey, anong gusto mong kainin? My treat." Bigkas niya na di niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Ahmmm... ikaw na lang pumili ng pagkain." Bigkas ko na nakayuko. Ang hirap naman ng ganito. Parang mas masaya pa na hinahabol ko siya kesa yung ganito na napakalapit niya at napakabait niya sa akin.

Nakakailang.

Tinitigan ko siya habang abala siya sa pag-order ng makakain namin.

Mahal na niya ba ako?

Tanga ka ba Elaine? Kinausap ka lang at nilibre ng pagkain, mahal ka na agad-agad? Hindi ba pwedeng naawa lang sa'yo?

Tanga-tanga mo rin ano?

"May problema ba?" Bumalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Umiling ako bilang sagot. Alangan namang sabihin kong wala kasi gago 'tong konsensya ko, nakikipagtalo pa sa akin.

Tinawanan niya lang ako at ginaya na niya ako papunta sa may lamesa.

Dala ko ang bigat ng mga titig ng mga estudyanteng babae papunta sa uupuan namin ni Mr. Dela Cruz.

"Ahhhh!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang lamig ng tubig sa pisngi ko. Tumawa ng pagkalakas-lakas si Mr. Dela Cruz sa naging reaction ko.

"Para ka namang bata. Hahahaha. Ayan. Kaya dapat hindi ka tumu-tulala nang malalaman mo na kung pinagkakatuwaan ko or hindi. O siya! Kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom." Bigkas niya.

"And also please, huwag mong bigyan ng atensyon ang mga babaeng yan. Ikaw ang fiance ko kaya dapat proud ka. Okay? So kain na." Bigkas niya at sumubo na siya ng pagkain.

Napangiti ako. Tama talaga na siya ang lalaking minahal ko.

--

[Jeciel]

"Hello, yes? Bakit mo naman natanong? Okay lang naman siya. Oo, hindi ko inaalis ang mata ko sa kanya, kung yun ang iniisip mo." Bigkas ko sa kausap ko sa cell phone ko - si Marquez.

"Siguraduhin mong hindi siya nabu-bully ng mga estudyante diyan ahh. Kapag nalaman kong umiyak siya dahil may nang-away sa kanya. Asahan mong sasapakin kita - mas malakas sa bato. Naiintindihan mo ba?" Singhal niya sa kabilang linya.

"Opo, commander. Poprotektahan ko siya sa mga taong mambubully sa kanya. Tsaka, fiance ko siya kaya kailangan siya anh unang priority." Bigkas ko habang nagpupunas ng ulo. Kakatapos ko lang maligo, at patulog na.

"Tama yan. Gawin mo yung way ko nang pag-aalaga."

Napa-ismid ako. "At bakit ko naman gagawin ang sa'yo? Ayoko nga. Kasuhan mo pa ako nang pangongopya ng gawain. At saka may sarili akong way. Yung tipong maaalala niya ako plus souvenir pa."

"Tangina mo Dela Cruz!!! Ayoko niyang souvenir na yan!!!" Sigaw niya sa kanilang linya.

"Bakit? Wala namang problema dun di ba? Since fiance ko naman siya and soon magiging asawa ko naman na siya. So there's np problem about it. Right?"

"Gago ka Dela Cruz! Papatayin talaga kita kapag nagkita tayo!" Pagbabanta niya.

"Edi kapag nagkita tayo. Make sure na matalas ang dadalhin mo. Baka kasi kasing purol ng utak mo ang dadalhin mong sandata kapag nagkita tayo." Pang-aasar ko.

"Ewan ko sa'yo! Gago ka Dela Cruz. Pasalamat ka mahal ka ni Elaine, kung hindi pinatulan na kita." Bigkas niya sabay patay ng cell phone niya.

Itinapon ko ang cellphone ko sa may higaan ko at tinignan ang kabuuan ng syudad ng Makati.

Kailangan ko nang umalis sa kalokohang fixed marriage na to.

Pero sa ngayon, i-enjoy ko muna ang lahat para sa susunod na step doon ko na siya bibigyan ng sakit na ngayon niya pa lang mararanasan.

Sisiguraduhin kong magsisisi siyang minahal niya ang tulad ko.

*****

Sorry sa late update.

-ILikeCoffee4UNI
- ILikeCoffee4UNI

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm his Fiance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon