[Jesh]
Bigla akong tumalikod, ayokong sabihin kung sino yung maaaring mapangasawa niya. Eh sa gusto ko ehh. Pero sa totoo lang, gusto ko, gustong-gusto kong sabihin na 'Ako!' Present na present ako ang magiging asawa mo in the near future. At walang mangingialam sa inyo. Pangarap ko 'to! at para sabihin ko sa inyo, hindi masamang mangarap. Kasi ito na lang ang tanging libre sa mundo.
Pero hindi ko magawa, kahit na ginagawa ko na. Di nyo rin ba napapansin na palagi akong nagpapapansin sa kanya ng todo-todo. Di ba napapansin nyo? Asar talaga 'tong si Fatty. Di nya man lang ramdam. At oo, dahil gusto ko syang tawaging Fatty, for the reason thought kasi... gusto ko ako lang ang nagmamay-ari nung pangalan na yun at siya rin mismo...
Obsessive ba masyado? Hehe ganito lang siguro kapag nagmamahal... ng palihim.
Naramdaman ko na may biglang yumakap sa akin. At sasabihin ko ang totoo, nagulat ako. Malamang ikaw ba naman na nakatalikod eh. Tapos may biglang yayakap sa'yo. Syempre magugulat ka talaga. Pero nakalma na rin naman ako ng malaman ko kung sino yung yumakap sa akin.
"Thank you Jesh! Thank you dahil palagi mo akong pinoprotektahan at palagi mo akong tinutulungan..." bigkas niya. Kung alam mo lang, kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.
Alam mo ba?! Halos lahat ng mga tao... pati na yung nagbabasa nito nakakahalata na! Buti pa nga sila eh, gumagana yung 'Non-verbal communication' nila eh! Naiintindihan nila kung paano gumalaw ang mga tao sa paligid nila. Eh ikaw?! Ikaw na nandito at palagi kong kasama wala! Mas kina 'Common sense' wala ka! Joke lang! May mga sense naman yung sinasabi mo. Hehe. Pero sa totoo lang,
Isa kang dakilang 'MANHID!'
"...thanks dahil naging best friend at kapatid kita... sana hindi magbago ito..." Dagdag mo pa.
At ito pa ang mas masakit sa lahat, itinuturing mo lang akong matalik na kaibigan slash kuya!!! Tae ka talaga Fatty! Ang sakit na nga ehh! Dinurog mo pa ng pinung-pino yung puso kong FRAGILE! Bakit ka nga pala kumuhan ng course na Batchelor of Arts in Communication?! kung wala ka man lang 60% na Non-verbal communication, 30% na Verbal communication at 10% na Action?! Pusit ka talaga Fatty! Kung hindi lang kita mahal na mahal eh! baka itinapon na kita sa Pacific ring of Fire sa sobrang kamanhidan mo, hindi mo na nararamdaman na nalulunod ka na sa Dagat na yan!
Kainis!
Bigla kong hinawakan ang dalawang kamay niya na nakapalupot sa akin. Nanananching na ito eh. De joke lang. Sa kanya ko lang talaga gustong ipahawak tong mga malulusok kong 6 pack abs. Hehehe hindi ako mayabang ah! nagbubuhat lang.
Agad-agad akong humarap sa kanya para yakapin ko siya. Hindi ko alam kung nagulat siya or hindi, pero wala akong pakialam . Wala din akong pakialam kung palagi akong nasasaktan dahil sa kanya at sa kanyang kaibigan na si Kamanhidan. Okey lang sa akin, dahil tulad nga ng sabi niya... 'Sana hindi magbago ito...' dahil ayoko siyang lumayo aa akin, ayokong mawala siya dahil sa lintek na pagmamahal ko sa kanya.
"Don't worry Fatty... I will not change..." Bigkas ko. Pero sana, wag ka ring magbabago. "...nandito lang ang best friend slash kuya mo para protektahan at iligtas ka sa mga nambubully sa'yo Fatty." Bigkas ko. Sabay tingin sa kanya. "Look at me...Fatty." I command. At agad din naman niyang sinunod iyon. " Napaka-OA mo talaga!"
Biglang kumunot ang noo niya.
Ohhhww~ ang cute talaga niya... hehe.
"Bakit naman?" Tanong niya.
Ako naman ay nag-isip kunwari. " Wala lang! Basta OA ka! Pa-kiss nga!" Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay dahan-dahan kong pinahaba ang nguso ko. Hehehe gawain ko talaga ito. Pero syempre alam kong hinding-hindi ito papayag. Bakit? Sabi niya 'Panget' daw ako?! Walang halong biro. Yung totoo? Ano ba ang gwapo para sa kanya? Yung Mr. Dela Cruz na sinasabi niya?! Sus! Mas gwapo ako dun. Sa rank lang kami nagkaiba 'no. Pero kung ibang babae yan, kapag sikat na lalaki ang makakahalikan nila? asahan mong sasaya yan! At isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm his Fiance
Dla nastolatkówI'm just a school 'Nerdy' girl who fell for a playboy whose popular in my school. But I don't care, I'll get him and make mine... Because I'm his Fiance... I'll get what I want. Kahit na mahirap. At ito ang kwento ko -- ♥♥♥ Ate Coffee ♥♥♥