○ Suprise!!! (Ha?! sino may birthday?)

33 2 0
                                    

[Elaine]

"The number you have dialed ay may nilalanding iba... Please tumigil ka na at nagmukmukha ka lang tanga."

Kung ganito lang talaga magiging Ringtone ng cell phone mo?! Baka natapon mo na ito sa 'Bermuda Triangle' ng mawala na ng tuluyan at mabaon na lang sa limot yan dahil sa galit mo sa sinabi nito. Tss. Kainissss!!! wala tuloy akong nasagot na maganda. Kakadepress pa rin hanggang ngaun.

"Class Dismiss..." Bigkas ng Prof. namin.

At syempre...tapos na klase! uwian na!!! Di na masaya ang peg niyan! Ibig sabihin lang din nito... SM!!!"Okey class! wag niyong kakalimutan, next meeting... Recitation tayo." Bigkas ni Sir habang inaayos nito ang gamit niya. Madaming nadismaya sa narinig nila. Isa na ako duon. Kaasar na Prof 'to ohh... ang hirao kaya maging estudyante. Palit tayo ng Posisyon? Ay wag na lang! ayokong mag-edit ng grade ahahaha.

"Okey sir..." Bigkas ng ilan.

"Sir! Sir! Sir!" Hay. Ang center of attraction.

"Yes! Mr. Marquez?" Bigkas ng Prof. namin. Syempre lahat tinginan sa kanya, kasama na ako dun.

"Pwede po ba akong makipag-Date?!" Bigkas ni—ANAK KA NG "K"!!! Kulangot ka talaga Jesh! At saka... Date?! close na sila nung girl?! o sila na?! BA'T DI KO ALAM?!

"It's up to you Mr. Marquez...pero siguraduhin mo lang makakapag-recite ka next meeting. Kasi baka ikaw ang unang matawag ko. At pag nangyaring hindi ka nakasagot. Ibabagsak kita. Okey?!" Nakangiti ngunit may pagbabantang bigkas ng Prof. namin.

"Ouch naman Sir, bagsak agad sir? Di ba muna pingot na lang ang kapalit?" Bigkas ni Jesh.

"No!" Mabilis sa alas quatrong bigkas ni Sir.

"Sige na nga sir. So Pwede po?"

"Yeah."

"Yes! Thanks Sir!!!" Masigla niyang bigkas. Tapos bigla siyang tingin sa akin. Magkatabi kasi kami ng upuan. Problema nitong timang na 'to?

"Titingin-tingin mo?!" Pataray kong bigkas. Pero tinaas-babaan niya lang ako ng kilay. Timang talaga 'to.

"Date tayo!!!" Bigkas niya na ikinagulat ko. Pisti ka!

"Ha?! De-de-date?!!!! Taran—Tarantula ka ahh!!!" Sigaw ko na naging dahilan para mapatingin lahat sa amin. At bakit kami magde-date?

"Hoy! Feeli-ngerang TABATCHOY!" Anak ka ng kulangot Jesh!!! Hindi ako pagkain na flavor na 'Batchoy' at kailangan talagang ipagdiinan yung salitang TABATCHOY?! FYI, after akong kumain, tumatayo muna ako ng mga 15-20 minutes para matunaw yung kinain ko ay wala akong baby fats. At saka everyday akong nagja-jogging. Kala mo ha! ikaw lang sexy? etchos ka lang hmp!

"Friendly date lang po tayo Fatty! Bakit?! ano ba yung pumapasok sa utak mo?! na magmomotel tayo at dun tayo magde-date?! tapos gagawa tayo ng milagro?! tapos pag- nagbunga... sa kasal din ang—"

"Hopiang Mongoloid ka! FYI! nagulat lang ako sa sinasabi mo, and anong sinasabi mong gagawa tayo ng milagro sa Mo—" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko at... "ANG BASTOS MO TALAGA JESH!!!"

I'm his Fiance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon