Chapter 1

1.4K 35 3
                                    

"Nandito na ba si inay, 'tay?" Tanong ko kay itay ng makauwi ako sa bahay namin.

Agad akong umupo sa upuan naming kahoy. Kararating ko lang galing palengke. Buti na lang naubos lahat ng paninda ko.

Tinutulungan ko sila sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Sa eighteen years old kong edad, marami na akong naging raket sa buhay.

Mahirap lang kami. Pero sa awa ng diyos, nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

Si itay, nagtatanim ng mga gulay sa bukid. Ang mga gulay niyang inaani, iyon ang mga tinitinda ko sa palengke. Si inay naman, isa siyang labandera. Kumuhu siya nang mga labahin. Naaawa na nga ako sa magulang ko e. Lagi silang naka-babad sa araw. Kapag dumadating na sila dito sa bahay kagabihan, pagod na pagod na sila.

"Hindi pa, nak, pero baka nandiyan na sa daan ang inay mo." Sagot ni tatay. Pinagpatuloy niya naman ang pagluluto para sa hapunan namin.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit kay itay. "Kailangan mo ng tulong 'tay?" Tanong ko sa kanya.

Bumaling naman siya nang tingin sa akin. At umiling. "Huwag na 'nak, alam kong pagod ka galing palengke. Magpahinga kana lang diyan."

Napangiti na lang ako. Ang bait talaga ni itay. Kahit pagod na siya galing bundok, mas inaalala niya parin ako. Naaawa na talaga ako sa kanya. Inaabuso niya ang kanyang sarili. Natatakot ako baka bumigay ang katawan niya.

"Tay naman, huwag niyo pong abusuhin ang katawan niyo. Magpahinga din po kayo minsan. Baka po bigla na lang bibigay ang katawan mo. Ako na po ang naawa sa inyo." Pahayag ko.

"Huwag kang mag-aalala, Gia anak, malakas kaya ang tatay mo. Lakas ng kalabaw kaya ito. Haha! Tignan mo, may mga muscle pa ako." Pabiro niyang pagyayabang.

Napailing na lang ako ng bigla niya pang pinakita ang mga muscle niya.

"Ikaw talaga 'tay e, ano'ng muscle ka diyan? Eh mga taba kaya." Natatawang tugon ko.

Nakita ko naman na bigla siyang mapabusangot sa sinabi ko. Kaya mas lalo akong natawa.

"Ano'ng taba ka diyan, hindi taba ito anak. Muscle ito.. M-U-S-C-L-E."

Hindi ko na mapigilan ang huwag tumawa ng malakas. Talaga pinagdiinan at ine-spelling pa niya ang word na muscle.

"Pffft!!! Oo na po, ikaw na po 'yung may pinaka maraming muscle." Natatawang pagsusuko ko.

At sabay kaming tumawa ng malakas.

"Mukhang nagkakasiyahan tayo ha. Ano'ng meron at masaya kayo ngayon? Share niyo din sa akin."

Sabay kaming napalingon ni itay sa pinto ng bahay nang marinig namin ang boses ni nanay.

Sinalubong ko naman nang ngiti si inay. At nagmano. "Nay, mano po."

Ngumiti naman siya. "Kaawaan ka nang diyos, anak."

Lumapit naman si itay sa kaniya at biglang hinalikan si nanay sa pisngi at labi. Kaya medyo namula si inay konti. Aysus!

"Yiee! Namumula si inay." Katyaw ko.

Pero inirapan lang ako si inay.

"Ano 'yang dala mo, 'nay?" Tanong ko sa kanya.

"Ah ito, bumili ako ng pansit diyan sa kanto, ulam natin. Dagdag sa hapunan natin." Sagot ni inay.

Nagningning naman ang mata ko. "Uy! Masarap 'yan, lalo na kung mainit pa." Ani ko.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now