Nakayuko lang ako habang nagsasalita si Madame Stella sa harap. Parang ayaw 'kong magtaas ng tingin dahil sa kahihiyan kanina.
Buti na lang siya at si Aling Sita ang nakakita ang pangyayari nang maabutan nila kaming ganun ang pwesto.
"Jusko'ng mga bata kayo! Ano'ng ginagawa niyo kanina ha? Ano iyong naabutan namin?" Parang stress na tanong ni Madame Stella.
Kaya napakagat ako ng ibabang labi. Nahihiya naman akong tumingin sa kanya.
"Ah! Eh! K-Kasi Madame Stella, wala lang iyon. M-Mali po ang iniisip niyo. N-Nag-uusap lang po kami." Parang tanga kong sagot.
Sabay naman silang tatlo na napatingin sa akin. Iba naman ang tingin na pinapahiwatig ni Madame Stella at Aling Sita. Parang sinasabi ng tingin nila na ako na ata ang pinaka tangang babae sa mundo. Habang si Aidan, walang emosyon lang niya akong tinignan. Oo na, feeling close na ako dahil tinawag ko siya sa pangalan niya.
Medyo nahiya naman ako doon.
"May nag-uusap habang nakapatong?" Taas kilay na tanong ni Madame Stella.
Biglang nagkulang kamatis ang mukha ko dahil sa prangkang tanong ni Madame Stella.
"A-Ah! Eh! Kasi——"
"We're having a s*x, grandma. You're disturbing us."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Aidan. Halos himatayin ako sa sinabi niya.
*BLAAGGH!*
Bigla akong napatakip ng bibig ng biglang sinapok ni Madame Stella si Aidan sa ulo. Halos mauntog siya sa lamesang nasa harap namin. Promise! Ang lakas ng pagkakasapok ni Madame Stella sa kaniya.
"Aww shit! What's wrong with you, grandma?! Why did you do that?! It's hurt!"
Palihim naman akong napa bungisngis. Nakita ko ang palihim niyang pag nguso. Mukhang hindi niya napasin na ganun ang iniasta niya bigla. Hindi lang pala siya gwapo, cute din pala siya.
*POINK*
"Lola?!!"
"Ikaw talagang bata ka! Iyang bunganga mo! Mahiya ka kay Gianna. Tatanggalin ko iyang dila mo kapag may narinig pa akong hindi kaaya aya na sasabihin mo. Jusko'ng bata ka! Maaga akong tatanda sa'yo, oo." Iritang banta ni Madame Stella.
Tumingin naman ako kay Aidan. Palihin akong napasinghap ng makita ko na bigla siyang napanguso. At naka ngiwing tumingin lang sa Lola.
Hindi ko alam na may ganyan pala siyang ugali, ang ngumuso. Para siyang bata na inaway.
Tumingin naman ako kay Aling Sita sa gilid ni Madame Stella. Napasin ko na medyo natawa siya konti. Pero agad ko din inalis ang tingin sa kaniya, ibinalik ko kay Madame Stella ang tingin ko.
Nakita ko na nakataas na ang kaliwang kilay niya at nakapa-meywang na tumingin sa apo.
"Don't me, Aidan! Hindi mo ako madadaan sa panguso nguso mo na ganyan. Hindi bagay sa iyo. Ibalik mo na lang ang expression mo na poker face. Para kang adik kapag nakanguso ka." Taas kilay na prangka sa apo.
YOU ARE READING
His Personal Maid [ON GOING]
RomanceClarkson Cousins Series #2: Aidan Gavin Clarkson 🔞WARNING: MATURED CONTENT🔞 "A-Ano ba?! Bi-bitawan mo nga ang kamay ko!!! U-Umalis ka nga sa i-ibabaw ko!" "You know what I do with loud people? " I kiss them 'till they lose their breath." "...but...