Chapter 10

730 17 5
                                    

Medyo tinanghali ako ng gising dahil medyo gabi na kaming nakarating dito sa mansiyon. Lahat kami bagsak pag-uwi. Kaya heto ako ngayong kagigising lang, ayaw ko pa sanang bumangon pero nakahihiya kina Madame Stella na hihilata na lang ako maghapon.

Ginawa ko muna ang routine ritual ko bago pumasok sa kusina para tumulong. Nang matapos ako agad akong pumunta sa kusina.

Dumaan ang ilang oras nagsipasok na ang pamilya Clarkson dito sa kusina. Napailing na lang ako ng hindi ko makita ang lalaking iyon. Ano pa ba ang aasahan mo doon., tanghali na 'yun kung magising eh.      

Dumaan ang maghapon. Pinuntahan ko si Madame Stella sa likod ng mansiyon, sa garden niya. Doon ko madalas nakikita ang mag-asawa. Parang doon ang madalas tumambay ang mag-asawa.

Bigla na lang akong napangiti ng makita ko silan dalawa na naka-upo sa isang bench. Nakayakap si Madame Stella sa baywang ni Don Emilio habang naka-akbay naman si Don Emilio sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang huwag kiligin sa sweetnees nilang dalawa.

Kahit hindi ko makita ang mukha nila, ramdam ko parin na pareho silang nakangiti.

Ini-inggit nila akong dalawa na nanonood. Kaya heto ako ngayon naiinggit na. Joke lang.

Huminga muna ako ng malalim na buntong  bago ko sila lapitan. Agad akong naglakad papunta sa pwesto nila.

"Ehem! Madame Stella, Don Emilio." nahihiyang tawag ko sa kanilang dalawa. Nakakahiya kasi inistorbo ko ang moment nila.

"Oh, ikaw pala hija. May kailangan ka ba?" tanong ni Madame Stella ng makita niya ako.

Medyo napayuko naman ako doon. Bumalik na naman ang hiya na kanina ko pa pinipigilan. Nahihiya kasi akong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanila.

"A-ah" utal kong panimula.

"Sige lang hija, sabihin mo ang gusto mong sabihin. Huwag kang mahiya." mainahon na pahayag ni Madame Stella.

Si Don Emilio naman tahimik lang sa tabi ni Madame habang nakatingin parin sa asawa. Alam kong nakikinig lang siya sa amin. Napangiti na lang ako sa loob loob. Ang sweet talaga nila.

Huminga muna ako ng malalim. "Ano kasi lola, magpapaalam sana ako. Uuwi muna sana ako sa amin. Gusto ko po kasing kamustahin ang mga magulang ko. Tyaka po, sabado naman po bukas. Kung okay lang naman po." paki-usap ko. Hindi ko mapigilan na napakamot ng ulo.

Ngumiti naman siya. "Oo naman hija, bakit naman hindi. Kailan ba ang alis mo?"

Nabuhayan naman ako ng loob doon. "Kahit po sana ngayon pagtapos ko ang mga gawain dito." magalang na sagot ko naman.

"Okay sige. Gusto mo ba na ipapahatid na lang kita kay Apel?" tanong ni Madame Stella.

Agad naman akong umiling-iling. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sa family driver nila. Oo, makapal ang mukha ko pero hindi halata na may roon pa akong natitira na kahihiyan sa katawan. Biro lang...

Magsasalita sana ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Kaya napatingin kami sa nagsalita.

Kumunot agad ang noo ko. Si Aidan. Bigla siyang naglakad papunta sa pwesto namin.

Nang makarating siya sa tapat nila Madame Stella at Don Emilio napabaling siya ng tingin sa akin at tsaka napakunot ng noo. Pero agad naman din niyang inalis ang tingin sa akin, bumaling ulit kina Madame Stella.

"Oh, apo? May kailangan ka ba?" Tanong agad ni Madame Stella kay Aidan.

Napakunot pareho sina Madame Stella at Don Emilio habang nakatingin kay Aidan sa harap nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now