Chapter 3

871 18 0
                                    

Kinabukasan, habang nagdidilig ako ng mga halaman namin sa bakuran. Hindi ko mapigilan ang huwag mapakanta. Para nga akong ewan e. Wala sa tono. Hays!

"HOYY! BAKLA!! TUMIGIL KA NGA SA KAKAKANTA DIYAN, ANG SAKIT MO SA TENGA. KUNG NAGING TAO LANG IYANG BULAKLAK BAKA SILA PA ANG NAGSABI SA'YO ANG PANGIT NG BOSES MO!!!"

Napatigil ako sa pagdidilig at pagkanta ng marinig ko ang sigaw sa labas ng gate namin. Gate na kahoy.

Biglang naningkit ang mata ko.

"PAKYU KA!! INGGITERA KA LANG TALAGA!! MAS PANGIT KA PA SA BOSES KOOO!!" Sigaw ko pabalik at itinaas ang middle finger ko.

Nakita ko naman na tumaas ang kilay niya at sinamahan ng masamang tingin. Gagang 'to. Kahit kailan ang taray.

"PAKYU KA DIIN! SAGAAD!!"

Bestfriend talaga kami ng babaeng ito. Grabe kung makamura. Parang ako lang. Hehe!

Itinigil ko naman ang pagdidilig at pinagtuunan siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay kong tanong. Pinamaywaang ko naman siya.

"Wala lang. Nakiki-tsismis lang naman," kabit balikat niyang sagot. Bored niya lang akong tinignan.

Pinaikutan ko naman siya ng mata.

"Makaka-alis kana, wala akong panahon na makipag usap sa mga kagaya mong tambay sa kanto." Taas kilay kong sabi.

Nakita ko naman na may pinulot siya. Kaya napakunot naman ako ng noo.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dadambahan niya akong batuhin. Bigla akong napa-atras.

"Oi! Grabe ka naman sa akin! Talagang balak mo talaga akong batuhin ng tsinelas mo ha?" Nakanguso ko'ng wika.

"Syempre biro lang naman. Hehe!" Kita mo itong babaeng ito. Psh!

Agad naman niyang binaba ang tsinelas niyang hawak hawak niya.

"So, ano ang kailangan mo at napadpad ka sa kaharian ko?" Tanong ko ulit dito.

Bigla naman siyang napanguso. "Kaharian daw. Psh! Wala akong kailangan sa'yo. Napadaan lang ako sa inyo tapos may nadinig akong boses na kagimbal-gimbal. Kaya napatigil ako, hindi ko inaakala na dito para sa KAHARIAN niyo ako napatigil." Bored niyang sagot.

Hindi ko namalayan na napanganga na lang ako sa sagot niya. At hindi makapaniwala napatitig sa kanya.

"PUCHAAA KAA!!! UMALIS KA NA NGA DITO SA HARAP NG BAHAY NAMIN! BAKA HINDI AKO MAKAPAGPIGIL, IKAW ANG ITATANIM KO SA LUPA! PUNYETANG ITO!!"

Umagang umaga, pinapa-init niya agad ang ulo ko. Ang ganda pa naman ng gising ko ngayon pero sinira ng babaitang ito..

"BYEEE BHESSS!! HAVE A NICE DAAYY!! MUAW! LAB U!!"

Bago tuluyang tumakbo papalayo si Jenna, may pahabol pa talaga siya.

"NGETAA KAA!! SIRANG SIRA NA ANG ARAW KOO!!" sigaw ko pabalik.

Kita niyo, umagang umaga bunganga ko na agad ang maririnig. Kaya halos kilala na ako dito sa amin dahil sa lakas ng boses ko. Ako narin ang alarm clock ng mga kapitbahay namin.

Bwisit kasing Jenna 'yun e, umagang umaga bwinisit ako. Ang sarap lagyan ng tinapay ang bunganga para hindi na maghasik ng polusyon.

Agad kong binitawan ang hawak hawak kong timba at pumasok sa loob ng bahay namin. Wala akong kasama ngayon dahil pumunta sina inay at itay sa palengke para magtinda ng gulay.

His Personal Maid [ON GOING]Where stories live. Discover now