Kabanata 36

44 0 0
                                    

(DARIEL POV)

Nang makita kong umalis na ang sasakyan ni Azaiah ay hindi ko iyon hinabol dahil ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod habang tanaw-tanaw ang pagtakbo ng sasakyan ni Azaiah papalayo sa lugar na ito. 

Para akong natuod sa kinatatayuan ko, ni hindi ko magawang humakbang sa nararamdaman kong kirot sa dibdib ko. Napasandal ako sa bakod na nasa gilid ko, inilagay ko ang kamay ko sa mukha ko bilang takip upang pigilan ang pagbuhos ng luha ko pero kahit pigilin ko iyon ay patuloy pa rin sa pagbuhos.

Noong makiita ko pa lang ang bagahe ni Adelaide sa likuran ng sasakyan ni Azaiah ay alam ko na agad ang ibig sabihin niyon; aalis na si Adelaide kasama ang pakakasalan niya sa lugar na ito. Hindi ko mapigilang mapaluha sa aking naiisip.

Gusto kong pigilan siya ngunit hindi ko magawa sa rami ng tanong na nasa isipan ko. Ayoko mang sumuko sa paghahabol sa kaniya ngunit naalala kong gustong pakasalan ni Adelaide si Azaiah.

Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ang ilang katanungang palagi kong itinatanong sa aking sarili simula nang maghiwalay kaming dalawa ni Adelaide. Sobrang sakit nang nararamdaman ko palagi sa tuwing itinatanong ko sa sarili ko kung saan ba ako nagkulang para iwanan niya ako. 

Lahat ng pagmamahal ko ay ibinuhos ko sa kaniya, paano niya nagawang ipagpalit ako kay Azaiah? Nagkulang ba ako pagmamahal ko sa kaniya? Ano bang kulang sa akin? May mali ba sa akin? May mali ba sa pagmamahal sa kaniya? Bakit ganoon? Mahal na mahal ko naman siya.

Oo, kailangan kong respetuhin ng disesyon niya, na kailangan kong tanggapin ang disesyon niyang magpapakasal siya kay Azaiah at pagkatapos nang ilang mga taon ay magkakaroon na sila ng mga supling pero ang sakit. Ang sakit isipin na ganoon ang mangyayari sa hinaharap kung sakali.

Si Adelaide lang ang nakikita kong makakasama ko habang-buhay, siya lang, kaming dalawa sa simpleng bahay kasama ang mga magiging anak namin hanggang unti-unting pumuti ang mga mga buhok namin nang magkasama pa rin pero ang lahat ng mga naiisip kong plano para sa aming dalawa ay mistulang naglaho nang sabihin niyang buo na ang disesyon niyang magpapakasal kay Azaiah.

Adelaide.

Ang mga tuhod ko ay parang nanghihina ngunit kailangan kong magpakatatag upang hindi mapaupo sa lupang aking tinatapakan. Napahawak ako sa aking dibdib habang patuloy ang aking mga luha sa pagbagsak.

Walang mga taong nagdaraan sa paligid o kahit mga sasakyan. Ako lamang ang mag-isa sa kahabaan ng kalsadang ito, lumuluha, pinipilit sagutin ang mga tanong hindi ko mabigyan ng mga kasagutan.

Pilitin ko mang pakalmahin ang aking sarili ay nauuwi lamang sa pagtatanong ang aking isip.

Huminga ako nang malalim at pinipilit pakalmahin ang aking sarili kahit punong-puno ng tanong ang aking isipan, kahit lumuluha pa rin ako. 

Ito ang unang beses na naranasan kong masaktan nang sobra-sobra nang dahil sa pag-ibig. Ito rin ang unang pagkakataon na itinanong ko sa aking sarili kung ano ba ang pagkukulang ko para iwanan ako ng isang babaeng mahal na mahal ko.

Napapikit ako ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig akong nagsalita sa likuran ko, "Hi po, kuya, are you okay? Here, take this panyo po to wipe your tears." Nang idilat ko ang mata ko ay nakakita ako ng isang kulay pulang panyo na inilahad sa akin ng isang babae na nasa likuran ko.

Imbis na kuhanin ko ang panyo ay pinunasan ko ang luha na nasa pisngi ko gamit ang kamay ko. Pagkatapos kong punasan ang mga luha sa pisngi ko ay hinarap ko ang babaeng nasa likuran ko, ibinulsa niya na lang ang panyong inilahad niya sa akin kanina saka tumingin sa akin.

Dark hazel ang kulay ng kaniyang mga mata habang ang kaniyang balat ay katamtaman lamang ang kulay, hanggang balikat ko lang siya kung tutuusin. May pagka-maamo rin ang kaniyang mukha.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon