Tamang tao maling panahon,
tamang pag ibig maling pag kakataon.
ikaw ang nagsilbing ilaw
sa magulong mundo ko
Ngunit ikaw rin ang nagpadilim nito
Hindi mo alam kung gaano ko kagusto
na manatili sa tabi mo ngunit
Ikaw na mismo ang nagbigay
ng dahilan para umalis akoKasabay ng paglubog ng araw
Ay ang napawing ngiti sa aking mga labi
Habang binibigkas ang mga katagang
"Paalam na, hindi na kita pipilitin pa"
Masakit sa aking pakawalan ka,
pero mas masakit kung ipipilit pa nating dalawa.
Alam kong hindi sapat ang pagkagusto mo
Upang sumugal sa relasyong 'to
Taos puso ko itong tatanggapin
Sapagkat ang pilitin ka ay labag sa akin
Marahil nga'y hindi na sapat
ang salitang ikaw at ako upang ipagpatuloy ang aklat
![](https://img.wattpad.com/cover/53985500-288-k563104.jpg)
YOU ARE READING
Inner Thoughts(COMPLETED)
PoesíaThis is not just a compilation of poems, prose, monologues and one shot stories, but it is a piece of my heart. Every word, every sentence, and every story in this book has been beautifully assembled over time, with love and care. This is a book fil...