Chapter 2

3 2 0
                                    

Chapter 2

"Ay naku, for sure, Eli has a reason why she's not yet answering her suitor there." Tita Luan said, mommy's youngest sister and a public teacher here in Sta. Altagracia.

I sneered at tita Luan. Si mommy kasi kanina, na-chika niya ang tungkol kay Vince na ilan taon ko na ngang manliligaw hanggang ngayon. Some of our relatives can't believe that Vince is courting me for years now and still my suitor as of now. At ngayon, habang nag-uusap-usap ang dami nilang naiisip na rason—iba't ibang dahilan kung bakit nga hanggang ngayon hindi ko pa siya sinasagot.

"Ewan ko nga dito kay Eli eh, ang bait bait naman no'ng si Vince at 'wag kayo may-ari iyon na isang sikat na construction firm. At sobrang successful na no'n batang iyon." Pagkuwento ni mommy sa mga sa mga kapatid at ibang kamag-anak pa namin. Batid din sa boses na mommy ang paghanga sa kung anong narating na ni Vince sa buhay.

Kahit ako naman eh, humahanga sa kaniya, sa mga narating na niya, at minsan kapag magkasama kami. Parang ang layo-layo na niya sa akin at hindi ko na siya maabot kahit sabihin ko pang nakapagtapos din ako ng kolehiyo at may sarili nang business pero hindi parin sapat eh.

"Gano'n naman pala eh. Bakit nga ba ayaw mo pang sagutin iyon, Eli? You are already in the right age, what's stopping you, hija, from saying 'yes' to him?" My tita Dianne asked.

Ano nga ba? What's really stopping me from answering him? I don't know.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sagutin ang tita Dianne ko nang unahan ako ni Tita Luan.

"Maybe because Eli is not yet ready?" Tita Luan shrugged her shoulder. "At kahit sabihin pa nating nasa tamang edad na itong si Eli, we cannot force her to be in a relationship with someone who she don't love." Tita Luan added.

I looked at her and smiling to her as I mouthed 'Thank you'. Si tita Luan lang ang nakakaintindi sa akin. Madali niya akong nababasa, iyong mga galaw ko unlike kay mommy.

Siguro din kaya mas kilala ako ni Tita Luan kasi dahil na din sa siya ang nag-aalaga sa akin noong bata pa ako at dito kami nakatira. I still remember how tita Luan took care at me when Mommy and daddy left me here for years because of work. At sa lahat ng tita namin, sa kaniya ako pinaka-close. Sa kaniya lang.

Si Tita Luan ang unang nakaalam ng mga hilig ko. At si Tita Luan din ang una kong sinabihan noon na gusto kong magpatayo ng sarili kong flower shop. And she's the first person who supported me from what I really likes since I was young.

"Ang sa amin lang, sana kahit sagutin niya man lang iyong si Vince. Matagal na naman na iyong nanliligaw sa kaniya at baka bigla nalang iyong magsawa at maghanap ng iba." Mommy sneered and rolled her eyes that I noticed.

"Ate, desisyon parin ni Eli ang masusunod hindi tayo. At saka, kung totoong mahal talaga no'ng lalaking iyon itong si Eli maghihintay at maghihintay iyon gaano man katagal. At kung isang araw eh bigla nalang makahanap ng iba iyong si Vince that is mean his love for our Eli is just shallow and he don't deserve her." Tita Luan explained to mommy.

Actually, pareho naman silang tama at mga sense ang sinasabi eh. It just that, there's something inside of me, stopping me from saying yes to him. Hindi sa , hindi pa ako handa kasi alam ko sa sarili kong matagal na akong handang makipagrelasyon eh.

I just don't see myself being in a relationship with Vince, maybe because I'm also afraid that 'maybe' if our relationship didn't work our friendship will be ruin.

At bukod doon, para kasing mali eh, kung makikipagrelasyon ako sa kaniya. Pareho lang kaming hindi magiging masaya sa isa't isa kung magiging kami man.

Stolen Heart Where stories live. Discover now