Chapter 3

2 2 0
                                    

Chapter 3

Nagpalipas ako ng buong hapon sa studio nila Kayla. Nililibang ang sarili sa panonood sa kanila na nag-pa-praktis. At hindi ko mapigilan ang mapapalakpak at humanga sa kanila.

They are all good.

Practice palang ito pero bigay todo na agad sila what more pa kaya kung nasa mismong entablado na sila?

Nakaka-excite naman. Buong practice nila nakangiti ako. Pinapalakpakan sila at chi-ni-cheer pa lalo sila para mas lalo silang ganahan.

I want them to feel that they have a supporter. That I am with them who'll support them no matter what.

And I could say, they are all ready to perform this next Saturday night in theirs town's fiesta. For sure, they will gonna rock the whole stage with their performance.

"Grabe ang gagaling ninyo." Proud kong sabi kay Kayla.

Naglalakad na kami ngayon pabalik sa casita. Alas syete na rin ng gabi at nagugutom narin ako. At medyo pagod na din siguro dahil sa byahe namin kanina. Wala akong chance kanina para magpahinga dahil sa nagkatuwaan at puro hila sa akin ni mamita at pati narin ang ibang kamag-anak kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataon upang magpahinga kahit sandali lang. And I'm sure, bagsak ako mamaya sa kama.

"Talaga ba, Eli? Baka jino-joke time ko ako ah." Nakapalabi nitong wika na mahina kong ikinatawa.

"Hindi kaya. Totoong magagaling kayong lahat. Ang propesyonal niyo kayang tignan kanina. Sobrang gagaling. Promise." Humahangang sabi ko sa kaniya.

Kumapit siya sa braso at saka malakas na tumili na halos ikinabasag ng eardrums ko at ang mga aso din ay nagsitahol dahil sa ingay na gawa ni Kayla kaya ay nakurot ko siya sa tagiliran niya na ikinangiwi at daing niya.

"Aray!" Daing nito na inirapan ko lang din.

"Ang ingay mo kasi eh."

"Eh, kasi naman kinikilig ako." She giggles.

"Para kang ewan." Paanas na sabi ko, natatawa.

"Pero, Eli..."

"Hmm?"

"Sino... sino sa amin iyong tingin mong nag-stand out talaga?" She asked curiously she even stopped from walking kaya napahindi na rin ako dahil sa nakakapit siya sa braso ko.

Napaisip naman ako. Sino ba? Naningkit ang mga mata ko habang inaalala ang naging practice nila kanina. At unang-unang pumasok sa isip ko ang gitarista nila—si Aicee. Napalunok ako habang iniisip kung gaano siya kagaling kanina.

The way she stared at me meaningfully and the way she moves her fingers to strummed her guitar is just so sexy. The whole practice, her eyes didn't leave mine but instead of feeling uncomfortable I feel butterflies on my stomach and I don't know why.

Her simple gestures makes me feel something.... something I couldn't name or I am just afraid to give it a name? I don't know.

"Huy, Eli! Ayos ka lang?"

I came back from my senses when I heard Kayla's voice. Malalim akong napabuntong hininga at marahas na iniling ang ulo ko. Disregarding my thoughts.

"Y-yeah, I.. I'm fine." I stuttered. And forced myself to put a smile on my face.

"Natulala ka kasi agad eh." She mumbled.

"I'm just tired." I sighed.

"Oh, okay." Aniya at napatango-tango pa.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad habang tuloy-tuloy parin sa pagkukuwentuhan tungkol sa banda nila. At mga makakasama nilang mag-pe-perform sa Sabado.

Stolen Heart Where stories live. Discover now