Chapter 5

6 1 0
                                    

Chapter 5


"Eli, juice oh,"

Napaangat ako ng tingin kay Aicee na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala at may hawaka-hawak na baso na naglalaman ng orange juice.

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko at nairita sa pagmumukha ni Aicee. Naiinis parin ako sa kaniya kahit na pinakilig naman na niya ako kanina. Ewan, basta nakakainis at irita siya.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng ngiwi nang makitang tinatarayan ko siya, I even crossed my arms against my chest para lang ipakita ang pagkairita ko sa kaniya.

"May... may problema ba tayo? Galit kaba sa akin? Kanina pa kasi kita napapansin na tinatarayan ako eh." Sunod-sunod na sabi nito at naupo sa bakanteng monoblock chair sa tabi ko.

Katatapos lang nilang magpraktis at ngayon ay nagmemeryenda na sila. Nag-order sila ng dalawang pagkalaki-laking pizza at bumili rin sila ng powdered juice at dito narin nila iyon tinimpla.

I didn't turned to face Aicee on my side. She looks so problematic because of my act right now.

"Wala." Tipid pero masungit kong sagot sa kaniya.

"Eh, bakit ang sungit-sungit mo sa akin? Hindi ka naman masungit sa iba sa akin lang." Sa tono ng boses nito para na siyang maiiyak na.

I rolled my eyes. I stood up and left her there, I went to Kayla who was busy eating her pizza. Kumuha ko nang isang slice din at kinagatan agad iyon.


"Why?" I heard Kayla asked after swallowing her pizza.

My forehead knotted nang hindi agad naproseso ng utak ko ang tanong niya.

"Huh?"

"Ba't mo sinusungitan si Aicee?" Natatawang bulalas nito at kumagat uli sa pizza niya.

"Nagsumbong sa iyo?"

Umiling siya. "Nope. I just noticed it." Sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng labi nito.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng orange juice roon at uminom bago ako sumagot kay Kayla.

"Nakakainis kasi siya." I pouted.

"At bakit ka naman naiinis sa kaniya? Did she do something wrong on you?" She asked, a bit curious and worried.

Bakit nga ba ako naiinis sa kaniya?

Bumuntong hininga ako nang maisip ko na walang katuturuan ang nararamdaman kong pagkainis sa kaniya. Alangan naman kasing sabihin ko kay Kayla na naiinis ako dahil sa nakita ko siyang ngumingiti sa iba at hindi sa akin. Alangan naman ding sabihin ko na nagseselos ako sa babaeng iyon.

No. I won't tell her that. She will just laugh at me and find me so ridiculous.

"I don't know." Iyon nalang ang nasabi ko.

Ang babaw-babaw lang naman kasi ng dahilan ng inis ko para sa kaniya at nakakahiya din.

"You've been ignoring her for an hour now." Hindi makapaniwalang sabi nito na sinabayan pa ng pag-iling.

"Sorry." Nagbaba ako ng tingin sa basong hawak-hawak ko.

Nahihiya talaga ako dahil mali naman talaga ang inaasal ko ngayon sa kay Aicee. At isa pa, iyong babaeng iyon customer nila at natural lang na ngitian at pagsilbihan iyon ni Aicee, kausapin at maging magalang at mabait.

Ako lang talaga eh. Sarili ko ang may problema hindi siya. I was acting like a child and I feel bad because of this kind of attitude of mine.

"Don't say sorry to me, wala kang ginawang masama sa akin, 'couz." Aniya at bahagyang tumingin sa gawi ni Aicee. "Kay Aicee ka mag-sorry, she looks problematic kanina pa at halata iyon habang nagpa-practice kami." She tsked.

Stolen Heart Where stories live. Discover now