2

20 1 0
                                    

Most part nito ay wala sa dating version. Yung sa last part, may kinuha ako sa dating special chapter. Anyway, enjoy reading :)


~~~

Ellie woke up in the middle of the night feeling cold so she turned the aircon off. Natulog din naman siya agad balik pagkatapos.

The next morning, tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan kaya suspended pa rin ang klase. Akala ng nanay ni Ellie na dahil dito ay hindi gumising siya maaga kaya hinayaan na lang niya na matulog pa ito. 

8 am nang puntahan si Ellie ng kanyang ina para gisingin dahil kakain na sila ng almusal. Pero nagulat ito dahil inaapoy pala ng lagnat ang anak.

Tinawag niya ang asawa para ipatingin ang anak, doctor kasi ito. 

40.4° ang temperature ni Ellie nang icheck nila

"Baby, why didn't you tell me you're sick?" Agad na tanong niya sa anak pero hindi naman ito sumagot at nanatili lang na tulog.

"Baby," paggising niya dito.

"Baby, you need to wake up to eat breakfast so you can take your meds and get better," dagdag pa niya.

Minulat ni Ellie ang kanyang mga mata and she looked so confused.

"Hmm?" her eyes doesn't even know where to focus.

"You need to eat breakfast, baby," sabi naman ng tatay niya kasi bumaba ang nanay niya para ikuha siya ng tubig na hindi rin naman niya ininom.

"Hmm?" Ellie just looked more confused.

"We're bringing you to the hospital."

Nanatiling nakapikit lang si Ellie at halos hindi sumasagot.

Paggising niya ay nasa ospital na siya.

Pinakain lang naman siya at pinainom ng gamot tapos ay natulog siya ulit.


Meanwhile sa GC ng magkakaibigan around 9 am,

Cohen: may update na ba kay Ellie? nakausap niyo na?

Elijah: kayo naman ang madalas mag-usap

Elijah: or si Cathe

Cathe: hindi naman nag-message sa 'kin. hindi rin naman nag-online

Cathe: and hindi rin nag open ng kahit na anong socmed

Elijah: siguro naman busy lang

Cathe: it's so unlike Ellie na hindi magparamdam

Cathe: unang gumigising yon and for sure nai-check niya kung suspended ang klase pero hindi naman siya nag-online

Cohen: kaya nga ang weird

Elijah: malay niyo naman naicheck niya tapos natulog lang ulit?

Elijah: baka masama lang ang pakiramdam

Cathe: kaya nga mas nakaka-worry kasi siya yung huling nakauwi kahapon.

Elijah: baka naman nagwo-worry lang kayo masyado


Nadalaw na si Cohen sa IG account ng nanay ni Ellie kakahanap ng update. At nakita niya doon na nasa ospital si Ellie kaya agad siyang nag-ayos para pumunta doon kahit umuulan pa rin. Hindi na nga niya nasabihan ang mga kaibigan tungkol doon. Bumili na lang din siyang flowers at fruits sa malapit sa ospital kasi sa pagmamadali niya, hindi na siya nakadala.

Rains and Rainbows: OSL Alternate Universe (temporary hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon