4

20 1 0
                                    

I'm so sorry for the slow updates, it might get slower, pero depende pa rin naman. I try to write as much as possible, but my creative juices ain't flowing kaya natatagalan talaga. But for now, enjoy reading :)


~~~

Nung bagong taon ay nasa kanya-kanya silang bahay, pati si Elijah kasi pinuntahan siya ng lola niya para samahan siya. Si Ellie at ang pamilya niya ay nasa bahay nila sa Scotland, kasama rin nila si Gavin at ang pamilya nito.

7 hours behind si Ellie dahil sa time difference saka busy naman sila sa kanya-kanya nilang pamilya kaya nag-uusap-usap lang sila pag may time.

Masaya naman sila lahat, bukod kay Cohen dahil pakiramdam niya ay lalo lang siyang lumalayo sa pamilya niya. Kung wala nga lang ang kapatid niya ay baka talagang lumayas na siya. Kung hindi naman kapatid niya, si Ellie ang "escape" niya. Just like today. Umalis ang family niya para mag-"family day" pero hindi naman siya sinama because, "reasons".

And of course there's Ellie to save the day. Kahit nasa labas siya kasama ang pamilya niya, hindi mawala ang atensyon niya sa cellphone niya dahil sa pagaalala sa kaibigan. Wala man siya sa malapit para masamahan si Cohen, pero gusto niyang iparamdam sa kaibigan na hindi siya mag-isa kahit sa chat man lang. And it helped Cohen a lot.


Cohen: anong ginagawa mo ngayon?

Ellie: not much. Nasa arcade kami, but I'm not playing. Just taking pictures

Cohen: ayaw mo maglaro?

Ellie: maybe later

Cohen: if 'di ka naglalaro para samahan ako, you don't have to

Ellie: wala pa rin naman ako sa mood maglaro. Maybe later

Ellie: sasabihin ko sa'yo if I'll play


Less than a week after New Year ay balik school na ulit sila. 

"So kamusta naman kayo?" tanong ni Cathe sa tatlo. "Kunwari hindi tayo magkakachat araw-araw."

"Para ngang kasama ko na kayo during vacation kasi lagi tayong magkakachat or video call," sagot ni Ellie.

"I bought gifts nga pala," sabi pa niya at kinuha yung paper bag mula sa sa gilid ng upuan niya.

Binigay niya ang mga regalong dala sa mga kaibigan, tapos ay binigay sa mga kaklase niya yung iba dahil binilhan pa rin niya sila ng regalo kahit hindi naman sila close, kasi sabi ng mommy niya, pasko naman daw.

"Syempre meron din ako," sabi naman ni Cathe pagkatapos mamigay ni Ellie.

"Hindi naman ako nasabihan na magdadala pala ng regalo, hindi ako nakapamili," sabi ni Elijah.

"Para namang may aasahan pa kami sa'yo eh napakakuripot mo nga," sagot naman ni Cathe. "Kahit nga pamasahe, inuutang mo pa sa'kin."

"Nasasaktuhan lang kasi na ikaw ang kasama ko pag hindi ko dala ang pera ko," katwiran ni Elijah.

"Grabe namang timing yan, favorite ako," sabi ni Cathe.

"Pero sabagay, tayo-tayo lang din naman ang laging magkakasama," dagdag pa niya. "Pero kahit na! Ang yaman-yaman mo tapos puro utang ka sa'kin, eh hindi ka rin naman nagbabayad."

"Hindi ka rin naman kasi naninigil," katwiran naman ni Elijah.

"Sa kapal kasi ng mukha mo, ako na nahiya sa'yo!"


Patapos na ang klase nila pero ang atensyon ng mga estudyante ay nasa lalaki na nasa labas ng classroom nila. Nang malingon si Ellie sa may bintana ay agad niyang nakilala yung lalaki. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rains and Rainbows: OSL Alternate Universe (temporary hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon