I'm sorry for not updating :( ang dami lang talagang nangyari this month pero try ko bumawi. For now, enjoy reading :)
~~~
Elijah's POV
Pagkatapos ng Tagaytay trip namin ay nagkanya-kanya na silang alis. Puro sa GC or PMs na lang kami nag-uusap, minsan nagvi-vid call din pag hindi sila busy. Wala naman din kasi akong pagkakabusyhan dito, puro games lang. Pero minsan kasi nakakatamad din maglaro kasi paulit-ulit lang naman ang routine.
Recently, nagsimula na rin akong mag workout dahil sa pagkabagot dito sa bahay. Kaya yung isang kwarto dito naging workout room na. Nakatulong din naman ng malaki sa 'kin ang pagwo-workout kasi hindi na ako masyadong bored tapos nagkakamuscle pa ako.
Bukas na ang Christmas eve pero wala naman akong planong mag-celebrate. Ang weird naman kung maghahanda ako eh ako lang naman ang tao dito sa bahay. Nakakatamad din naman umalis kasi wala naman akong kasama saka wala akong pupuntahan. Baka matulog na lang ako buong araw. Or baka matripan ko lumabas mamaya, kahit walang destination. Kung saan na lang makarating.
Lagi namang ganon ang ginagawa ko, either matutulog, maglalaro, magwo-workout o kung ano man maisipan kong gawin. Nakakasawa rin talaga pag mag-isa lang sa bahay. Kaya mas gusto kong may pasok eh, mas masaya naman kasi sa school kaysa dito sa bahay.
Hapon na nang maisipan kong mag-online muna kasi hindi ako nakapag-online buong araw, baka may naghahanap na pala sa 'kin.
Pero wala namang nag-message sa'kin. Malamang mga busy yon sila kasama mga pamilya nila. Ako lang naman 'tong walang kasamang pamilya. Sanay naman na din ako.
Naisipan kong maglinis na lang ng bahay kasi wala naman akong ibang gagawin.
Habang naglilinis ay nakita ko yung gitara ko kaya naisipan kong tumugtog pagkatapos maglinis. Nai-record ko pa nga kasi trip ko lang. Nilagay ko na rin sa FB story ko para itodo na rin.
Pinatay ko muna ang cellphone ko tapos ay kumain na ako.
Pag bukas ko ay nakita kong may reply si Cathe sa story ko.
Cathe: hoy!
Elijah: bakit?
Cathe: ano gawa mo bukas?
Elijah: malamang wala
Elijah: dito lang sa bahay
Elijah: wala naman akong pupuntahan
Elijah: bakit ba?
Para namang pinapamukha pa niya sa'kin na mag-isa nanaman ako ngayong pasko.
Sanay naman na ako 'don, pero hindi naman kailangang ipamukha pa.
Cathe: sabi kasi ni mommy dito ka na lang daw magpasko sa'min
Okay, I didn't expect that one.
Elijah: ha?
Cathe: ano? bungol ka din sa chat?
Cathe: 'di marunong magbasa?
Elijah: legit ba?
Cathe: mukha bang mage-effort pa akong i-joke time ka?
Elijah: pasabi kay tita, i love you
BINABASA MO ANG
Rains and Rainbows: OSL Alternate Universe (temporary hiatus)
Romancewhat will happen if the virus outbreak didn't happen? note: this is based on my previous story, "On School Lockdown" which I unpublished last year.