""MAY BUMALIK, MAY DARATING.."

1.5K 63 0
                                    

Isang linggo nang wala si Jake sa klase. Matamlay akong pumasok sa silid nang..

"JAKE! BUHAY KA!" napasigaw ako sa isang taong medyo maitim at may hawak na medal na si Jake.

Napangiti lang ito. Yun na yun? Wala man lang bati diyan? Bakit parang ibang Jake ang nakikita ko ngayong araw? Baka may problema siya. Gusto ko sana siyang tanungin kung may problema pero baka mas lumayo siya sa akin.

(LUNCH..)

kasalukuyan kong hinahanap si Jake sa canteen at nakita ko siyang kasama ang mga kapwa kasapi ng archery team. Kaya nakita ko si Karl at doon na nakitabi.

"May napapansin ka ba kay Jake ngayon?"

"Wala naman."- karl.

"Medyo kakaiba siya eh. *subo ng pagkain*"

"Ay! Meron pala. Iba na ang mga kasama niya. Aray kuya idol.." pa asar na sinabi ni karl.

"Tae." Sabi ko at napatigil ako dahil maynatapakan akong isang cellphone.

"Hoy. Sayo?" Tanong ko kay karl na kumakain sabay pakita ng nasabing cellphone.

"Hindi. Bat mayaman ba ako?"- karl

at may tumatawag sa cellphone. At sinagot ko.

"Hello?"

"Hello? Saan mo napulot ang cellphone ko?"-cp

"Ah. Sa may canteen. Sa tapat ng counter. Yung mesa doon. Andito pa kami. Punta ka nalang dito para makuha mo."

"Ah sige sige."-cp

*call ended*

Sino naman kaya yun? At may lalaking sumulpot sa harap ko. Matangkad, maputi.

"Haha. Ba.. bakit po?" Tanong ko baka kasi miyembro ito ng fraternity.

"Nasayo ba yung cellphone na black? Touch screen." Tanong nito sa akin.

"Ay. Eto oh." Tugon ko sabay abot nun sa kanya. At agad itong nagpasalamat.

"Nga pala. Ako si Juan Isaac Perez. 4th year. Ikaw ba?"- isaac.

"Mark Timothy Alverez. 3rd year." Sagot ko at nagbell na.

"Sige. Salamat ulit ha." Ani niya at nagthumbs up ako sa kanya.

"Uuuyyyy." Asar ni karl habang may hawak na pagkain.

"Tanga. Telepono niya yun. Gago ka ba?" Tanong ko sabay alis.

sino ba yun? Bakit parang ngayon ko lang nakita ang ganoong mukha sa loob ng school? Baka naman engkanto. Hindi! Baka multo. O baka naman.. basta.

*****

habang nagsasalita si mam , tinititigan ko si Jake pero, hindi ito tumitingin. Hindi ko maiwasang mapailing dahil doon. Hindi ko naman siya makausap dahil marahil, hindi pansinin nun.

(UWIAN.)

katulad ng dati, ako nanaman mag iisang uuwi nang..

"3rd year!!" Sigaw nito pero hindi ako lumingon dahil maraming 3rd year sa mundo. At paulit ulit ang kanyang pagsigaw at nang hindi ko na iyon natiis, si Isaac. Tumatakbo patungo a aking dikreksyon.

"Op?" Tanong ko rito. Anong sasabihin kayang lalakeng to?

"Punta ka bukas sa bahay. May simpleng party eh. Wag ka mag alala, ininvite ko yung ibang kaklase mo."-isaac. at tumango nalang ako.

"Ay.sunduin nalang kita sa bahay niyo" dag dag niyo at ngumiti.

party... sa bahay nila Isaac. Bakit?

Classmate (YAOI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon