"SEMBREAK NA! TARA!"

1.1K 38 2
                                    

Pumasok na ulit kami ni Jake parang dati. Sinusundo niya ako sa bahay at sasakay sa kanyang bisikleta patungo sa paaralan.

"Namiss mo to no?" Tanong ni Jake habang siya ay nagpepedal.

"Oo naman no. Ilang linggo na akong naglalakad kasi wala ka eh." Tugon ko sabay yakap sa kanyang likod kasi naka angkas ako sa likod niya. Pagyakap ko, amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Napakabango.

"Uy tama na! Baka hulog tayo." Reklamo nito ngunit hindi ko ito sinunod.

"Di ba ito naman ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya sabay halik sakanyang pisngi. Ayos lang. Wala namang tao sa daan ngayon. Maaga kaming umalis sa aming mga tahanan dahil sabi ni Jake, may pupuntahan daw kami. Hindi ko alam kung saan iyon pero pumayag naman ako.

"Haha. Sige ngarud. Tuloy mo lang yang paghalik. Gusto ko yan!" Tugon niya habang binibilisan naman nitong magpedal at hindi ko naman itinigil ang aking paghalik sa kanyang maputi at makinis niyang mukha.

Agad kaming nakarating sa sinasabi ni Jake. Isa itong burol na may napakagandang puno sa itaas. Ipinarada ni Jake ang kanyang bisikleta at kami ay umakyat pataas.

nang narating namin ang tuktok nito, umupo ako sa ilalim ng puno. Ganoon din si Jake na umakbay pagka upo nito.

"Ang ganda ng haring araw no?" Tugon ni Jake na nakatingin sa araw na unti unti nang tumataas.

"Oo nga eh. Paano mo ito nahanap?" Tanong ko.

"Nahanap ko ito nung mga araw na hindi kita pinapansin. Itinuring ko itong lugar na pagbabalingan ko ng sama ng loob. Dito ko rin napagdesisiyonan na kakausapin na kita." Sagot nito.

"Matitiis ko bang hindi makita ang mukhang iyan?" Sabi nito habang ang kanyang dalawang kamay ay nakalagay sa aking magkabilang pisngi.

mahahalatang seryoso siya dahil ang kanyang itim na itim na mata ay nakatitig sa aking mata na nagsasabing

"Hindi ako nangloloko. Seryoso ako."

dahil sa kanyang sinabi, hindi ko namalayan na pumapatak na ang aking luha dala ng aking emosyon. Napayakap ako sa kanya na kanyang ikinagulat at niyakap niya rin ako.

"Ipangako mo sa akin na hindi tayo maghihiwalay kahit anong mangyari at hinding hindi ka aalis sa tabi ko." Sabi ni Jake habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Pangako iyan. Ipangako mo rin iyan." Tugon ko.

"Oo. Pangako." Tugon niya pagkatapos siyang kumalas sa aking pagyakap at inakbayan ako nito pagkatapos.

matapos naming panoorin ang haring araw na umangat ng tuluyan, bumababa na kami sa burol upang tumungo sa paaralan.

(SA PAARALAN..)

"Kuya!..." bati ni Karl pero naputol ito nang nakita niya kami ni Jake na magkasama.

"Ka-kayong..." tanong niya na may halong pagtataka.

"Oo. Ok na kami." Tugo ni Jake sabay tingin sa akin at ngiti.

"Hahaha. Sige sige. Welcome back kuya archery!" Bati ni Karl sabay akbay sa akin.

"Salamat." Tugon ko kay Karl at ngumiti lamang siya at tumungo na kami sa aming sariling silid.

Nang nasa silid na kami, andoon na si mam. Tila may sinasabi siya. Tinignan ko ang oras, 7:45 pa naman. Alas otso ang time namin. Tumingin ang isa sa aming kaklase.

"Pasok lang. Walang pake si mam kung late ka. Hindi pa naman time." Tugon niya sabay thumbs up sa amin. At sinunod namin ang kanyang sinabi.

"So sa mga kararating lang, sembreak na ntin next week kaya ang mga kailangan ipasa, ipasa na. Ok?"— mam.

pagkatapos nun ay umalis na si mam sa aming silid at nagsimula nang umingay ang aming silid.

nakita kong papalapit si Jake sa aking upuan na tila nakangiti sa akin. Teka. Baka may kalokohan nanaman itong gawin.

"Oy." Tawag nito sa akin habang nakatitig sa aking mukha.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi ako nakatingin sa kanya.

"May pupuntahan ka sa sembreak?" Tanong nito sa akin. "Wala nga eh. Ikaw ba?" Sagot ko sa kanya sabay tingin sa kanyang mukha.

"Kung saan ka pupunta, sasama ako." Tugon nito sabay kindat sa akin. Nang dahil sa kanyang kindat, napatitig ako sa kanyang papaalis sa akin at tumungo sa kanyang upuan.

Pupunta siya kung saan ako pupunta. Sasama siya sa akin kung saan man ako pumunta. Mabutimyun pero, saan ako pupunta? Sa Tagaytay? Baguio? Mas malayo pa. LA UNION! Tama. Sa La Union nalang tutal doon naman ako ipinanganak at taga doon daw dapat kami. Para makita naman ni Jake ang La Union. Sige. La Union nalang.

(KINAGABIHAN...)

tinawagan ko si Jake para ipaalam ang aking napagdesisiyunan.

"Hello? Bakit bes?" Agad nitong sagot sa aking tawag. Ang bilis. Haha

"Hello bes. May alam na akong pupuntahan sa sembreak." Tugon ko.

"Saan naman? Sigiraduhin mong maganda doon ha. Hahalikan kita." Pabala nito.

"Maganda. Pramis." "Saan?" "Sa La Union."

"LA UNION?!" Pasigaw nitong tanong.

Classmate (YAOI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon