"PAGKAHULI"

960 29 0
                                    

Pagising naming dalawa, naghanda na kami para umalis sa resort. Bibisita kami sa tita ko sa San Gabriel kasi taga doon ang aking ina noong siya ay bata pa. Paglabas namin ay sumakay kami ng tricycle papuntang bayan. Pagkatapos ay sumakay kami ng jip papunta doon.

nag nasa jip kami, hindi ako tinigilan ni Jake. Hinawakin nito ang aking kamay, ako naman itong tinatanggal ko pero kinukuha parin nito. Tinignan ko ang taong nasa harapan namin, nakangiti itong nakatitig sa amin. Fan siguro ng yaoi. Pero nung tinignan ko ay umiwas ito ng tingin. Tinignan ko si Jake na nakangiti, tinignan ko ito ng masama sabay tanggal ng kanyang kamay sa aking kamay.

Makalipas ng halos 30 minuto ay nakarating na kami sa nahay ni auntie Rosa.

"Eto na ba si Timothy? Hay nako napaka gwapong bata!" Salubong sa amin ni tita sabay kurot sa akong pisngi. Nabaling naman ang kanyang tingin kay Jake.

"At sino naman to? Kadwam nga napan ittoy? (Kasama mong pumunta dito?)" Tanong naman nito habang nakatingin sa kanya.

"Wun auntie. Ni Jake gayam. Kaklasek ijay schook mi. (Opo auntie. Si Jake pala. Kaklase ko sa school.)" Sagot kay auntie na hindi pa tumitigil sa pagkurot nito sa aking pisngi.

"Ay. Isa ka rin napaka guwapong bata. Hindi mo to boypren o ano?" Tanong nito sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang baywang.

"Ah, eh, hindi po." Kontra ko sa kanya. "O siya. Pumunta ka na doon sa kwarto ng nanay mo dati. Ta doon kayo magpahinga." Tugon nito at umalis.

Pumunta kami sa masabing kwarto. Nandirito pa ang mga litrato ni inay noong siya ay musmos pa lamang. At nakaframe pa ito. Matagal na ito dito pero tila walang nagbago rito. Pati ang buong bahay. Halos 5 taon na rin akong hindi nakakauwi dito.

sinarado ni Jake ang pintuan at ako ay kanyang niyakap at nahulog kami sa sahig.

"Bala makita tayo uy." Reklamo ko sa kanya na hindi parin umaalis sa aming pwesto. "Nakasara naman." Ngatwiran nito sabay halik sa aking pisngi, patungo sa aking labi.

"Ay nga pala pakibigay ito kung... ANO TO?!" tugon ni antie rosa na bigla sa aming ginagawa.

"Mga dugyot kayo! Sabihin mo. Kayo ba? Kayo ba ng lalaking ito?!" Tanong nito sa akin habang hawak ang kuwelyo na aking polo shirt.

Hindi ko na ito maitanggi. Nakita na niya ang mga ginawa namin.

"O... opo. Kami po." Sagot ko sa kanya at bigla akong sinampal ng napakalakas ni tita.

"Hindi man lang kayo nahiya! Parehas kayong lalaki! Dapat.. dapat malaman ito ng iyong ina. Tama. Dapat niya itong malaman." An niya sabay hugot sa kanyang telepono. Tinawagan niya ito at kanyang kinausap. Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay tumingin naman ito sa amin.

"Umuwi na daw kayo bukas. Dito na kayo magpalipas ng gabi." Tugon nito sabay alis. Nakakahiya. Ano ba itong nagawa namin? Isa itong malaking pagkakamali. Tatma siya. Nakakahiya ito. Lalo na at hindi naman namim ito bahay.

nakaupo lang kaming dalawa sa sahig. Parehong malungkot ang aming mga mukha at tila hindi alam ang gagawin.

"Sorry. Sana hindi ko nalang ito ginawa." Tugon ni Jake na nakayuko.

"Kasalanan ko rin. Sana hindi nalang ako nagpaapekto sa aking damdamin. Sana pina iral ko ang aking pagiging disiplinadong tao. Kaya, pasensya na rin." Tugon ko naman sa kanya sabay tingin sa bintana.

(KINABUKASAN..)

Nakauwi na kami sa aming mga bahay ng hindi nagpapansinan at naguusap lang pag itatanong ito. Nang nakarating na ako sa harap ng gate ng aming bahay, nagdadalawang isip ako lung papasok pa ako o hindi. Pero pumasok parin ako ng hindi ko namamalayan. Pagpasok ko, nakita ko si mama, naka upo sa isang upuan sa may kusina. Nang ako ay kanyang nakita, tumulo ang aking luha at ako ay kanyang niyakap ng napaka higpit.

"Ma sorry po. Sorry po talaga." Hagulgol ko sa kanya habang tinatapik nito ang aking likod. Hinarap niya ako sa kanyang mukha na umiiyak din.

"Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang. At walang pinipiling kasarian ang pag ibig kaya tahan na. Wag ka nang umiyak. Ok lang. Ayos na." Tugon ni mama at ako ay napayakap ulit sa kanya. At nag ring naman ang aking telepono. Nang tinignan ko, si Jake. Nakita rin ito ni mama at pumayag itong kausapin ko ito.

"Hello?" Tanong ngunit ang narinig ko ay isang sigaw. Tila pinapagalitan ito.

"Nakakahiya! Ano na ang sasabihin ng mga tito mo? Tita? Mga pinsan mo? At ang mga kaibigan ko! Ano ba ang sumagi sa utak mo at ginawa mo ang iyon? Nagmahal ka ng kapwa lalaki!" "Nagmahal lang naman ako ah. Anong problema doon?" "Yun na nga! Nagmahal ka nga pero sa maling tao!" Yan ang narinig ko at akin nang pinatay.

tinanong ni mama ang aming napag usapan ngunit hindi ko siya sinagot dahil sa sobrang lalim ng aking iniisip. Napatakbo ako sa aking kwarto at doon ko nilabas ang aking mga luha. At hindi ko namalayan na ako pala ay nakatulog.

Classmate (YAOI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon