IT'S ME

13 0 0
                                    


"Good morning Sir Rey". Bati ko sa guard ng school namin. I always greet him everytime, whenever I see him.

"Magandang umaga din sayo Alliya"

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. Hindi pa man ako nakakarating ay naririnig ko na ang sigawan ng mga kaklase ko, ganyan sila palagi kaya sanay na ako. Pagkadating ko ay agad kong nakita kung gaano kagulo sa loob, may mga nagbabatuhan ng papel at kung ano ano pa jan, lahat may iba't ibang ginagawa at magulo maliban sa isa, si Darrel, he's weird, parang walang pakialam sa mundo, lagi lang siyang nakayuko, hindi nagiingay at laging naka headset. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang gulo ng room namin, nagtungo na ako agad sa upuan ko. Agad ko namang nakita ang isang piraso ng sticky note na nakadikit sa table ko.

"Another note from the mystery guy. Infairness, never siyang nakamiss kahit isang araw lang sa pag-iwan ng note sa table mo". Nagulat ako ng biglang magsalita si Nica sa likod ko, she's my bestfriend.

"Always wear that beautiful smile of yours. I wish I could see that everyday. -Jay". Mahinang pagbasa ko sa note, sapat lang para kami lang ni Nica ang makarinig. Who are you Jay? Kelan ka magpapakilala sakin?.

Bigla namang dumating ang adviser namin kaya napaayos kaming lahat at dali daling umupo.

---

"Good morning Sir Rey". Masiglang bati ko sa guard namin.

"Magandang umaga. Napakaaga mo ata ngayon pumasok Alliya?". Napatingin naman ako sa wristwatch ko, 6:00 am.

"Maaga po kasi ngayon si Daddy pumunta sa work niya kaya maaga niya din po ako hinatid". Sagot ko namn dito.

Dahil maaga pa naman naisip ko na tumambay muna sa library. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang lalaki na naglalakad papunta sa room namin, halos magkalapit lang ang library at ang room namin. Si Darrel, ganito pala siya kaaga pumapasok, hindi naman niya ako napansin kasi nakatalikod siya at nakaheadset. Ano naman kaya ang gagawin niya sa room ng ganito kaaga? Weird talaga. Lalagpasan ko na sana ang room namin nang makita ko siyang lumapit sa table ko, nagtago ako at sinilip kung ano ang gagawin niya. Nagulat ako nang ilabas niya ang isang pamilyar na note mula sa bulsa niya saka niya ito idinikit sa table ko. Siya si Jay?

---

Nang malaman ko na si Darrel pala ang nagiiwan ng notes sa table ko everyday ay umakto ako na wala paring ideya sa kung sino man siya. Ginawa ko lahat ng naiisip kong paraan para mapalapit sakanya para siya na mismo ang kusang aamin saakin.

"Hi Darrel". Pagbati ko sakanya nang tabihan ko siya pagkapasok ko,pero tiningnan niya lang ako nang wala man lang reaksiyon.

Pero hindi ako sumuko. Kinulit ko siya, araw araw, gaya ng paglalagay niya ng notes sa table ko araw araw.

Dumating yung time na sa wakas kinakausap niya na ako. Mabait siya. Hindi naman pala siya ganon ka weird tulad ng inaakala ko.

Lagi na kaming nagsasama. Hindi parin siya umaamin, ayokong magtanong kasi gusto ko siya yung magkukusa. Kahit close na kami, hindi parin nawala yung mga notes na iniiwan niya sa table ko.

Sa mga panahon na nalukungkot ako lagi nalang ako napapangiti pag nababasa ko na yung note na iniiwan niya. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sakanya.

---

'I love you. I'm sorry I wasn't be able to say that to you in person. -Jay'. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko sa note niya at sa unang pagkakataon gusto kong sagutin ang message niya.

'I already know who you are. Meet me tomorrow, 3:00 pm at the school garden. See you'. Inipit ko muna sa book ko yung note.
-
"That's all for today. Class dismissed". Tinagalan ko naman ang pag-aayos ng gamit ko at sinadya ko talagang magpahuli, nang wala ng tao ay iniwan ko ang note sa ibabaw ng table ko bago ako umuwi.

---

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa garden ng school. I'm waiting for him. It's already 3:15 at wala paring dumadating,nagsusulat siya kanina nang lisanin ko ang room namin,baka hanggang ngayon ay nagsusulat parin siya kaya hindi pa siya pumupunta.

3:30 pm.

What taking him so long. Hindi kaya niya nakuha yung note?. Tatayo na sana ako para puntahan siya sa room nang lapitan ako ng isang lalaki. Nakikita ko na siya dati, taga kabilang section lang siya.

"You need anything?". Tanong ko dito

"You're the one who wants me to meet you here". He said. Wait what?. "I'm Jay". He added

"W-what I thought--"

"I was the one who is writing the messages". Ngumiti siya pero tila taliwas ang nakikita ko sakanyang mga mata, nakangiti siya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "I'm Jay but you thought it was Darrel. I should be the reason behind those smiles of yours whenever you read those messages but you thought it was him"

"You supposed to fall for me but you fell for him". He paused for a while

"You fell for my brother"

Unexpected Twists HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon