"Kung papipiliin ka, gugustuhin mo bang maalala lahat?". Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon,siya si Jen,my girlfriend.
"Ofcourse. Gusto kitang maalala,lahat ng memories natin together,kung paano ka bilang boyfriend,lahat lahat ng tungkol sayo". Sagot niya sa tanong ko. Napangiti naman ako,pero sa likod ng mga ngiting yun ay ang guilt.
Muling nagflashback sakin ang nangyari 3 years ago.
---
"Tita, susunduin ko na po sana si Jen". I said,pagkatapos ko magmano sa mommy ni Jen.
"Pakitingnan mo nga iho sa kwarto niya kanina ko pa sinabihan na maghanda na at baka dumating ka na, hanggang ngayon ay hindi parin bumababa". Agad naman akong nagtungo sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago pumasok. Nadatnan ko naman siyang nakahiga pero hindi siya natutulog.
"Love, hindi ka ba sasama?". Tanong ko sakanya nang maupo ako sa kama niya.
"Hindi na siguro. Medyo masama ang pakiramdam ko". Sagot niya. Kinapa ko naman ang noo niya to check her temperature.
"Hindi ka naman nilalagnat. Pero kung di mo talaga kaya, sige, ako nalang pupunta". Saad ko
Nagpaalam na ako sakanya saka kay tita. Birthday party kasi ngayon ng friend namin at invited kami pareho. Pool party daw at sa house nila gaganapin.
---
Nakaupo ako sa gilid ng pool at umiinom mag-isa nang nilapitan ako ni Alyssa,my ex.
"Looks like you're not with your girl huh, mind if I join you?". Maarteng tanong niya. Wala namang magagalit,wala naman si Jen so I let her.
Habang tumatagal ay umeepekto na sakin ang alak. Hindi parin ako iniiwan ni Alyssa and the next thing she did caught me off guard. She kissed me. At first I didn't respond, pero kusang kumilos ang sistema ko at tinugon ko ang halik niya...
"B-bryle". Napabitaw ako kay Allyssa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Umahon ako sa pool at akmang lalapitan siya.
"J-jen it's not what you think-- Jen!". Bigla nalang siyang tumakbo habang umiiyak. Bryle what have you done?. You hurt her.
Hinabol ko siya. Tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa makalabas na siya ng gate. At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
"JEEEEN!". Sigaw ko nang makita ko ang isang mabilis na sasakyan na patungo sa direksiyon niya, sinubukan ko siyang iligtas pero masyadong naging mabilis ang pangyayari. Huli na.
---
1 year siyang na-coma, we nearly loose hope na magigising pa siya but she did. Pero paggising niya wala na siyang maalala.
If only you knew. Kung magbabalik man ang ala-ala mo, hihilingin mo na sana hindi nalang. I know you'll hate me. I know you won't forgive me for causing you such pain. I'm sorry for hurting you that day.
I'm sorry, I killed the baby in your tummy that day. I killed our child.