Nakaupo ako sa park nang biglang may batang lumapit saakin. Iniabot niya ang isang pink na rose.
"Para sa'kin?". Takang tanong ko sa bata. Tumango naman ito tapos tumakbo palayo. Sinundan ko naman ng tingin ang pinuntahan neto. Kumaway ito sa'kin at itinuro ang isang napakagwapong lalaki. Ang nag-iisang gwapo sa paningin ko at kaisa-isang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Napakamot naman ito sa batok bago lumapit saakin.
"Mahilig ka talaga sa surprises". Saad ko ng makalapit na siya saakin.
"It's my own way of saying that you're beautiful when you smile Babe". He never really failed to make me smile. "Always remember that I will always love you Belle". He added as he kiss my forehead.
"I love you too Ken". Naramdaman ko naman ang mga braso niya na pumulupot sakin,niyakap ko naman siya pabalik. Pero unti-unti kong naramdaman ang pagkalas niya sa yakap,napamulat naman ako at nasilayan ko nanaman ang gwapo niyang mukha,pero bakit ganon parang lumalabo ang vision ko,ako ba to o siya ang unti-unting nagfifade.
"Ken,anong nangyayari?". Tanong ko sakanya. Pero nginitian niya lang ako. Lalong lumabo ang figure niya. Sinubukan ko siyang hawakan pero tila tumatagos lang ang kamay ko sakanya. Sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Magkahalo ang kaba at takot na nararamdaman ko.
"K-ken". Bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko ay nabasa ko sa kaniyang mga labi ang mga huling salitang binitawan niya, 'I miss you'.
---
Nagising ako na umiiyak. Ang bigat ng nararamdaman ko. Isa nanaman palang panaginip. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bigla itong bumukas,si Mama.
"Gising ka na pala. Umiiyak ka nanaman,siya nanaman ba?". Alam ni mama na lagi ko siyang napapanaginipan,nagigising nalang ako na umiiyak. Tango lang ang naisagot ko kay mama.
"Maghanda ka na,aalis na tayo". Sabi ni mama. Dali-dali kong tiningnan ang phone ko, November 15 na pala ngayon. Bumangon na ako at ginawa ang mga kelangan kong gawin,nang matapos ako ay bumaba na ako,nakita ko naman si mama sa sala na naghihintay. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako bago inaya.
"Halika na,naghihintay na siya". Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi ni mama. Tulala lang ako buong biyahe,iniisip ko parin yung panaginip ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Napangiti naman ako sa isiping andito kami ngayon kung nasaan ang taong mahal na mahal ko.
"Ken". Sambit ko sa pangalan niya
"You still never failed to make me smile babe. I miss you so much". Pagkasabi ko nun ay inilapag ko ang isang pink na rose. Pinakatitigan ko ang pangalan niya na nakaukit dito.'Ken Mendez
Died: November 15, 2015It's been three years since the day you left me. Hindi ko nanaman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. If only I could turn back time,if only I could bring you back to me. It's been three years but until now,the pain's still here.