WHAT CAN YOU SACRIFICE FOR LOVE?

2 0 0
                                    

I'm George and I have a girlfriend, her name's Alyana, I love her so much that I can sacrifice everything for her. Ayoko siyang nakikitang umiiyak and kung iiyak man siya gusto ko ako ang papahid sa mga luha niya.

"Babe, gusto mo ng ice cream?". Tanong ko kay Alyana. Nandito kami ngayon sa park, bigla kasi siyang nagyayang mamasyal.

"Sige, dun oh kay kuya". Tinuro niya si kuyang nagtitinda ng ice cream. Nilapitan naman namin ito.

"Kuya dalawa po". Sabi ko sa nagtitinda. Nang maiabot niya samin ang ice cream ay binayaran ko na siya. Naglakad lakad naman kami ni Alyana habang kumakain ng ice cream.

Habang naglalakad kami ay biglang huminto si Alyana. Tiningnan ko naman ang direksiyon na tinitingnan niya at nakita ko ang isang bata na hinahabol ang isang bola na gumulong sa kalsada. Nakita ko na may sasakyan na papunta sa direksiyon ng bata, nakakapagtaka na hindi kumikilos ang bata para tumabi.

"Alyana!". Nagulat ako nang bigla nalang siyang tumakbo papunta sa bata. Hinabol ko siya. Nakita kong malapit na ang sasakyan, tinulak niya ang bata para wag itong masagasaan. Naging sobrang bilis ng mga pangyayari at ang huling naaalala ko...

Dugo. Napakaraming dugo.

---

Nakaupo ako habang nakatanaw sa langit, napakaganda nito. Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang babae na palapit sa kinaroroonan ko, ang babaeng pinakamamahal ko. Lumapit siya sakin, ngumiti siya pero tila iba ang sinasabi ng mga mata niya.

"Babe". Panimula niya. Napangiti ako, gusto ko siyang yakapin.

"Ang daya mo. Ang daya daya mo!". Medyo naiinis na sabi niya. Napakamot naman ako sa ulo.

"I was the one who's supposed to be there and not you. W-hy did you have to do that?". Umiiyak na siya. 'I'm sorry I can't be able to wipe your tears'.

"Sorry Babe kung ako ang dahilan ng pagluha mo ngayon. I badly want to hug you. And to answer your question, I love so much that I can sacrifice everything for you, even my life". 'I wish you could hear me'

And then a realization hit me. I saved her that day and she's here to visit my grave.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Twists HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon