"Sorry Love I'm late". Paghingi ng tawad ni Rex, boyfriend ko. May date kami ngayon at late nanaman siya.
"Ano pa nga ba, kelan ka ba hindi nalate?". Medyo pabalang kong sagot at tanong sakanya.
"Sorry na talaga Love, babawi ako". He said then he kissed my forehead.
"Sige na, sana naman sa susunod di na maulit". Nakakainis siya, never pa siyang dumating sa tamang oras. Lagi niya akong pinaghihintay.
---
It's my birthday. May celebration sa bahay at lahat ng relatives ko ay nandito na, even my friends, isa nalang ang wala, my boyfriend, late nanaman siya.
Ilang minuto lang ay natanaw ko na ang lalaking nagmamadaling lumapit saakin.
"Happy Birthday sa babaeng pinakamamahal ko". Bungad niya saka iniabot ang bouquet ng white roses. Tinanggap ko naman ito at humarap sakanya.
"You're late". Malungkot na sabi ko
"I'm really sorry Love. I promise this will be the last. I love you so much". Then he kissed me sa cheeks saka ako niyakap.
"I love you more". Sagot ko habang magkayakap kami.
---
Kasalukuyan akong nagmamaneho ng kotse. Napadaan ako sa isang flower shop and a bouquet of white roses caught my attention, hininto ko ang kotse at pumasok sa shop. Binili ko ito saka ako bumalik sa kotse. Nilagay ko ang bulaklak sa passenger seat, napatitig ako dito. Naalala kong binigyan niya ako ng ganitong bulaklak nung birthday ko 4 years ago. I remember his promise.
Hindi ko akalaing tutuparin niya ang pangakong iyon.
Tinupad niya yung pangako niya sa araw ng kasal namin.
Ngayon nga ay tinatahak ko nanaman ang daan papunta sakanya. Nang marating ko ang puntod niya ay nilapag ko ang bulaklak dito.
"Noon naiinis ako kapag late kang dumadating. Pero nung araw na iniwan mo ako paulit-ulit kong hiniling na sana nalate ka nalang ng dating"
Tumulo ang mga luha ko. Namimiss ko na siya.
"You were always late. Isang beses ka lang hindi nalate, yun ay nung araw ng kasal natin..."
Pinahid ko ang mga luhang hindi na maawat sa pagbagsak ngayon.
"Kasi hindi ka dumating"