Chapter 5 (DSA)

359 5 1
                                    

Ano yun? May kaaway ba si Carlo? Bad boy ang dating nun pero ngayon ko lang narinig na may kaaway siya...


Ba't ako parang na wo-worry?... Di naman ako si Carlo. Ewan ko ba!


"Anong ginagawa mo diyan?"


Putek! Nasa harapan ko na pala yung mga nagsasalita kanina... si Ralph at Edgar?


"Hoy Clara hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" tanong ulit ni Ralph.


Gulp! Kanina pa pala ako nakatingin sa kanila...


"Ah.. eh... wala papunta kasi ako ng DSA.. nahulog lang ballpen ko hehe"


Tiningnan lang ako nila at tsaka umalis. Clarisse ang pangalan ko mga unggoy! Pasigaw kong inisip.


Ano kaya ang balak nun? May plano ba silang bugbugin si Carlo? Kahit masungit yun sa akin, di ko mapigilan na mag-worry. Dapat niya 'tong malaman.


Dali-dali akong tumakbo patungong DSA.


Hay salamat narito na rin si Carlo, naka face down sa lamesa habang natutulog.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya. Ang peaceful niyang tingnan eh.... Parang anghel.... HOY CLARISSE WAG MONG KALIMUTAN YUNG SADYA MO. Maigising na nga to.


Inuyog ko siya... harshly... "Hoy gising"


"urghhhh... ano ba" tinanggal niya yung kamay ko at bumalik sa pagtulog.


Amf! Ano ba to "HOY CARLO BRYAN DELA VEGA GISSSIIINNNGG!"


Pinagpapalo ko na siya at pinagsisipa nang bigla niyang...


Next thing I know, nakahiga na ako sa couch malapit sa lamesa habang hawak-hawak ni Carlo yung mga kamay ko.


Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig lang siya sa akin. Gulp. ANO BAAA


"Alam mo nakakapikon ka na e"


Buti nalang nahanap ko na ang boses ko "Umalis ka nga diyan"


Nag smirk siya habang tinitigan pa rin ako. Na shock nalang ako nang nilapit niya yung mukha niya sa akin at ngumiti.


"Clarisse Mendoza"


Nanginit bigla yung cheeks ko. LORD JESUS CHRIST. Rape ba to?


Ewan ko ba kung anong nangyayari. Pinikit ko yung mga mata ko. Ang lapit-lapit niya kasi. Urghhh


"HAHAHAHA!"


Binuka ko yung mata ko. HUH??? Nakita ko na lang si Carlo, tawang-tawa habang nakahawak sa tiyan niya.


Tiningnan ko lang siya. Naguguluhan kasi ako. Ba't siya tumatawa?


"Hay nako kung nakita mo lang yung mukha mo kanina" sabay turo sa akin.


Ha? What?


"Akala mo ba talaga ay hahalikan kita? HAHAHAHAHA"


Crap! Hindi pa rin umaalis yung init sa cheeks ko.


"HA? ANONG SABI MO?"


"SUS! Kunwari ka pa"


"Excuse me? FYI never in my life na gusto kong magpahalik sayo. Sino ka ba?"


"Crush mo"


Shet paano niya nalaman???? LUPA AT TUBIG LAMUNIN NIYO NA TALAGA AKO.


"Ikaw? Crush ko? Kailan pa?"


Nag smirk siya at tumungo sa desk ni Mr. Solis "hmmmm.. sa bagay. Hindi naman ako yung type mo"


"Malamang"


"Yung mga type mo kasi ay yung mga Dagul type"


Isa...


"At yung tipong pang biggest loser"


Dalawa...


"At 'saka yung mukhang unggoy HAHAHAHA"


Tatlo... NAKA-ASAR NA TONG LALAKING TO AH!


Susugurin ko na sana siya nang pumasok si Mr. Solis.


"O Mr. Dela Vega and Ms. Mendoza I'm glad you're early"


"Of course sir. We learn from our mistakes... Pero sadly, hindi lahat ay ganun" tinignan ako ni Carlo habang naka nakaka-asar na smile.


"Ms. Mendoza can you please come here so that I can give your tasks"


Lumapit ako sa desk at nag buntong-hininga....


Get ready to spend the day with Mr. Popular...



——————————————


(End of Chapter 5)

Another High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon