Chapter 4 (Overheard)

338 3 2
                                    

Ngayon na. Ngayon na ang araw na makakasama ko si Mr. Popular. To be honest, kahit masungit siya sa akin, crush ko pa rin siya...... NO CLARISSE ERASE! DI MO NA SIYA CRUSH! EW NAKAKADISCOURAGE SIYA!


"Pangit ang ugali niya Clarisse. Walang respeto, bastos. Kahit gwapo—"


"Sinong gwapo?"


Shet..


"Sinong gwapo? Ako ba?"


*Pak


"ARAY! WHAT THE HELL? BA'T MO GINAWA YUN?"


"Ikaw kasi nanggugulat"


"HAHAHAHA! Magugulatin ka pala bes?"


"Che!"


"Oy sorry na! Na miss kita eh"


"Hay nako RJ kahit kailan, ang childish mo pa rin"


"At least cute diba" ngumiti si RJ para maipakita yung dimples niya. Sige, siya na cute.


"Oy Clar, are you okay? Bad mood ka ata?" tanong niya nang napansin niyang kumunot yung noo ko.


"Eh kasi bes... suspended ako..."


"Suspended? No surprise.. ang bagal mo kasing gumalaw" kumamot siya ng ulo at ngumiti ng nakakaloko.


"Ah so nang-aasar ka ngayon?"


"Ang sungit mo rin.... Oy sorry na... Hmmmmm... so ngayong araw ba ang suspension mo?"


"Oo"


"Ikaw lang?"


"Mmmmm... hindi eh..."


"So sino kasama mo?"


Tiningnan ko siyang ma-igi. Hindi naman na hindi ko siya tinu-trust.... Ano kase ehh... Hay nako sige na nga!


"Si Carlo Bryan''


At first, tumingin lang si RJ sa akin.... Tapos ngumiti.... At humalakhak ng pagkalakas-lakas.


"HAHAHAHAHA What the heck? Si Dela Vega? Suspended?


"Diyan ka na nga" iniwan ko si RJ habang tumatawa at nakakapit sa tiyan niya.


Nung napansin niya na ni walk-outan ko siya ay bigla niya akong hinabol at tinawag, "Oy Clarisse sorry"


"Che ewan ko ba sayo"


Hinila ni RJ ang kamay ko at hinarap ako sa kanya. Ses pa seryoso look pa tong si RJ. Bakas nga sa mukha niya ang pinpigil niyang tawa.


"Sorry—haha—- bes ha. Kasi may naalala ako noong junior years"


Mag classmates si RJ at Carlo noong junior years. Close pa nga sila and yes, alam ni RJ na crush ko si Carlo.


"Ano ba yun?"


"Wala kalimutan mo na. So bes, magkakasama kayo ngayon? Eh bakit parang ayaw mo? Diba crush—-"


"SHHHHHHHH!!" tinakpan ko dali-dali yung bibig niya at tiningnan yung palibot ko.


"Huy bes OA mo. Tayo lang tao dito"


"Ikaw kasi ang careless mo. Baka may makarinig"


"Malay mo, alam na niya na crush mo siya"


"Bakit? Sinabihan mo noh? Sige hindi na kita bestfriend. Wala nang manglilibre sayo tuwing maiwan mo ang baon mo sa bahay" binelatan ko siya. Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad.


"Hoy asan ka pupunta?"


"Sa DSA. Aalis na ako dito baka ano pang masabi mo"


"Hahahaha! Sige kita nalang tayo sa canteen mamaya"


Nag thumbs-up ako sa kanya at lumiko sa isang corner papuntang DSA.

Paliko na sana ako sa isang corner nang may narinig akong naguusap...


"Sh*t yung Dela Vega na 'yon! Who does he think he is?"


"Chill lang bro. You'll get your revenge mamaya"


"Humanda ka Carlo Bryan Dela Vega... humanda ka mamayang gabi... Pagbabayaran mo lahat ng ito..."


—————————-


Dedicated to @isabelle21 for being the first voter


(End of Chapter 4)

Another High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon