Chapter 8 (Soft Side)

315 4 3
                                    

(Carlo's POV)


Tsss.. Asan na ba yung babaeng 'yon? Kanina pa nagtime. Bagal nga talaga. Haysss...


Di ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Medyo nakakailang ang clumsy kasi niya. Bet ko kinilig pa yun. Matagal ko nang alam na may crush yun sa akin. Simula nung tinulak siya ni RJ sa putikan. HAHAHAHAHA! Nakakatuwa siyang tingnan. Sarap rin asarin.


Tiningnan ko yung orasan ko, 1:30 na. Asan na ba talaga siya? Baka natakot yun sa aken. Baka akalain niyang may binabalak akong masama.


HUY CARLO! Najojologs ka na! Hanapin ko na nga lang siya. Makakatikim yun sa akin.


Tumungo ako sa canteen. Malamang, doon siya naglulunch. Parati ko kasi siya nakikitang naglulunch dun kasama si RJ at tsaka yung isa pa niyang kaibigan.... Nica ba yun? Hmmmm... wala nang tao dun. Kanina pa kasi nag-bell. Asan ba 'yun tumungo?


Tiningnan ko na yung library, cr, at kung saan pang mapuntahan. Wala pa rin eh.


Pabalik na sana ako sa Mess Hall nang may humila sa akin papasok ng janitor's closet.


"Pakshit sino ka?" masyadong madilim sa loob ng janitor's closet kaya hindi ko masyadong namukaan yung gago na humila sa akin.


Naramdaman ko nalang na sinuntok ako sa tiyan atsaka magkabilaang kinalabit ang balikat ko.


"Naalala mo pa ba ako, Dela Vega?"


Shit boses yun ni Ralph.


"Anong kailangan mo?"


"You know what we want Dela Vega"


Nandito rin pala si Edgar. Takte naman o.


"Hindi ko nga yun sinasadya"


"Alam namin Carlo pero kailangan mo yun pagbayaran" –Ralph


"Kaya pumunta ka sa carpark mamayang 8. Kundi... mas hihigit pa nito ang aabutin mo" –Edgar


Sinapak muna nila ako bago nila ako pinalabas ng closet. Paksh*t naman 'tong dalawang unggoy wrong timing mangbugbog. Anong sasabihin ko kay Clarisse pag napansin niya yung mga pasa ko? Bahala na...


Teka, asan na ba yung babae na yun?



(Clarisse's POV)


"Remember Ms. Mendoza, exactly 6pm yung training mamaya"


"Opo Ma'am"


Umalis na ako sa faculty lounge at tiningnan yung orasan ko. Tipaklong! 2:00 na! Patay ako kay Carlo... teka ba't ako maalala? Diba wala yung pake sa akin? Tsss..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon