CHAPTER 19

10 0 0
                                    

A/N: I will reupload Chapter 19 and 20 because I notice that there are some parts that are related to some issues arising today regarding wattpad stories. Although I only have few readers or none at all, I still don't want some disturbing topics on my stories because I am aware that there are readers that I might influence. It's just a minor editing but it is still better to do this than leave this unattended.

EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 19

JT's POV

Kinabukasan, sa halip na umuwi sa mga tirahan namin ay nagkayayaan na sa bahay na lang nila Mama kami mag-lunch. I took a week off and Papa is the one handling the company now with the help of my secretary. Inaayos nila ang ilang dokumento para sa pagtatransfer ng shares ni Mommy sa pangalan ko dahil iyon ang nasa last will niya. Most of her property will be named after me and some of it will be under Papa's name.

"JT!" iyon agad ang bungad sa akin ni Mama pagkarating na pagkarating namin sa bahay nila. "Namiss ko ang baby ko." sabi niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kaniya.

"I miss you too Mama." Sagot ko. Humiwalay siya sa akin, she held my face at saka ako pinakatitigan na akala mo ay sinusulit niya iyon dahil baka bigla na lang ako mawala. I feel the same though, every time I am looking at Mama because I experience twice how it feels to loose someone who is important to you.

"Ang pogi talaga ng anak ko." she said with so much adoration in her eyes.

"Mana lang sa'yo Ma." Sagot ko naman.

"It's your turn Ambal. Ikaw naman ang guguluhin ni Mama araw-araw at tatawagin ng baby kahit sa public." Sabi ni TJ at tinapik pa ang balikat ko bago kami lampasan ni Mama.

"He! Tumigil ka nga TJ. Baby rin kita." Sagot naman sa kaniya ni Mama. Natawa na lang kaming mga nakarinig sa sinabi niya.

Dumiretso kami sa dining area at nakahanda na raw ang tanghalian namin. Niluto daw ni Mama ang paborito namin ni TJ na Afritadang Manok, Spaghetti at may Ice Cream din daw for dessert. I remember that these are the food we had in our 6th birthday, the day before we separated our ways.

"Mama, hindi ba tuwing birthday lang ni Kuya TJ mo niluluto ang mga ito? Hindi naman nila birthday ah?" nagtatakang tanong naman ni Trisha.

So...ito pa rin ang inihahanda ni Mama sa birthday namin? I really am wrong to believe that Mama wants to leave us before. No matter what her reason is, I know that she wouldn't do it unless there's an important and deep reason.

"Matagal pa ang birthday ng mga Kuya mo at hindi ko na iyon mahihintay pa kaya ngayon na ko nagluto ng mga ito." Sagot naman sa kaniya ni Mama.

"Ahh. Okay." Pasimpleng lumapit si Trisha sa katabing upuan ni Carlo habang sinasabi 'yon. Akala siguro niya hindi ko mapapansin ang binabalak niya.

"Trisha!" tawag ko agad sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Kuya JT naman eh!" nagmamaktol na sabi niya at pumadyak pa siya na parang bata. "Bakit ba ayaw niyong makatabi ko si Carlo? Kanina pa kayo sa sasakyan!" Nakasimangot na sabi niya.

Lumapit naman siya kay Mama at kumapit sa braso noon. Nagpaawa siya at akala mo'y iiyak na. "Mama, inaaway ako ng dalawa na 'yan." At itinuro pa kami ng magaling kong kapatid na akala mo kinakawawa namin siya kung makasumbong kay Mama.

"Magtigil ka Trisha, kung ayaw mong bawasan ko ang allowance mo." Sagot naman sa kaniya ni TJ. "Halika na at dito ka sa tabi ko uupo."

"Ayaw ko." naka-krus ang mga braso na sabi niya at inirapan pa ako.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon