CHAPTER 10

25 8 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT.
HAPPY READING ^_^

CHAPTER 10

TJ's POV

Pagkatapos ng pagkikita namin ni JT ay himalang hindi na siya nagpakita sa Valdueza Group of Companies. Pabor sa akin 'yun dahil wala ng istorbo sa trabaho ko. Lagi kasi siyang nanggugulo kapag pumupunta siya sa kompanya.

Kung hindi niya dinudumihan ang nilalampaso ko. Sasadyain naman niyang itapon ang kape o juice na dala niya para ipalinis sa akin. He really is doing everything to annoy me huh. Kapag hindi na ako nakapagtimpi papatidin ko na talaga siya ng mop kapag dumaan siya sa harapan ko.

It's Sunday so it's my day off. Sa linggo kasi may iba namang janitor na naglilinis sa area ko. Lahat kaming janitor may isang day-off kada-linggo. Kaya malilinis pa rin ang area ko kahit na wala ako ngayon.

Eto lang ako at nakaupo sa kama ko. Wala akong TV kaya walang mapaglibangan. Wala rin naman akong load kaya hindi ko rin magamit ang cellphone ko. Pang-text at pang-tawag lang ang meron ako. Kailangang magtipid.

Makakapagload sana ako ng pan-internet ngayon kung hindi ko lang binayaran lahat ng kinain namin nung lalaking 'yun sa restaurant eh. When he leaves the restaurant, I was going to leave too when the waiter approaches me telling that the bill is not yet paid. Wala akong nagawa kundi ang bayaran 'yun.

Ang mahal-mahal pa naman ng inorder ko dahil ang akala ko ay siya ang mag-babayad. Napasubo tuloy ako. Kaya bad-trip ako nang maka-uwi sa apartment nun eh. Kahit kailan talaga mula ng dumating ang lalaking iyon kung ano-anong problema na ang dinala niya.

Sa halip na magmukmok sa apartment ko. Tumayo ako at nagsimulang gumayak. Hindi naman siguro masamang mamasyal kahit minsan lang. I don't need to spend my money kapag mamasyal lang. May sasakyan din ako kaya wala ng babayaran.

Matapos maligo ay nagbihis na ako. Isang faded jeans at simpleng polo lang ang suot ko na tinernuhan ko ng nag-iisa kong rubber shoes. Lumabas na ako ng apartment ko at sumakay sa scooter ko. I need to unwind sometimes.

It's 11 in the morning ng dumating ako sa Luneta Park. Maraming tao as expected. It's weekend kaya maraming namamasyal. Umupo ako sa isang bakanteng bench na nalililiman ng isang malaking puno.

I watch those family that happily walking while holding their hands together. May isang mag-asawa na kasama ang anak nilang kambal na lalaki. I remember one of the memories I'm trying to forget all this years. Pero eto at naaalala ko na naman.

Those time na masaya kaming namamasyal nila Mama at Papa sa park kasama si JT at ako. Kahit na hindi kami mayaman noon. They're doing everything maibigay lang ang mga gusto namin. Kahit na minsan wala na silang pera. Kasalukuyan pa kasi silang nag-aaral nun kaya doble kayod talaga sila.

Noon dahil dalawa kami, doble rin ang gastos. Kapag meron 'yung isa dapat meron din 'yung isa. Naaalala ko nung minsan kaming nagsimba, may nagtitinda ng lobo sa harapan ng simbahan. Gusto kong bumili pati na rin si JT kaso pang-isa na lang ang pera na dala ni Papa. Sa huli hindi kami bumili dahil pag-aawayan lang namin 'yun kapag isa lang ang binili.

Iyak kami ng iyak nun hanggang sa maka-uwi sa bahay namin. Pagkatapos ng isang linggo nagsimba ulit kami. Pagkalabas na pagkalabas namin ng simbahan ay si Papa pa mismo ang nag-aya sa amin na bumuli ng lobo. Umuwi kami ni JT na masayang-masaya noon dahil may lobo kami pareho.

Nakakatuwa sanang alalahanin ang mga 'yun kung hindi kami nagkahiwa-hiwalay at hanggang ngayon ay magkasama pa rin. Kaso hindi 'yun ang nakatadhanang mangyari. That moment will remain as memory. Just a memory.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon