Chapter 8

270 6 0
                                    

Pinagpatuloy na ni Viv ung trabaho nya. Napapa tigil sya minsan kasi naaalala nya yung kaharutan ng boyfriend nya. Nag iinit pisngi nya.  Last 2 pages na nga lang, hindi nya pa matapos tapos.  Kung ano ano kasing naiisip nya.  Finally! Natapos din. Tumayo sya para mag inat. Dumiretso sya sa kusina para simulan na mag prepare ng ingredients for the Paella.

Buzz... Sofia calling...

"Hello Ate! Mabilis lang to. Ayaw kong maistorbo ka. Baka busy kayo ni Kuya V. Nakapag impake na ko. May mga gamit ako na naiwan kay Avery. Daanan daw ni Kuya Baste sa condo ni Ave pagdating nya at sya na mag uuwi. No need to put those in a balikbayan box. And I was able to laundry your scrubs for the week. Alam ko naman na busy ka sa jowa mo." Dire diretsong salita ni Sofia.  Akala mo eh may humahabol.

"Huminga ka muna Sofia. Ako napapagod sa yo. Thank you for doing my laundry babe. Jowa talaga?  Wala si Kuya V mo. Umalis kasi wala pala syang paprika for the Paella."

"Hindi pa ba kayo? Impossible naman na wala pa kayong label.  Paella? Sinong mag luluto? Ikaw? Penge ako please Ate. Dalhan mo ko please."

"Kami na. Official na. Si Voltaire ang magluluto. Ewan kung marunong yun. Assistant lang ako. Masarap naman ung timpla ng kaldereta nya kagabi."

"Yay!!!!! I'm so happy for you both!  Sa wakas!!! Madidiligan na keps mo!!!!!Kaldereta? Penge din ako please. Ano bang ginawa nyo ni Kuya V? Nag cooking session?"

"Grabe sya!  Dilig talaga?!!!  Mahilig pala magluto tong si Voltaire. Malay ko naman. Magaling daw sya mag Paella. Eh di tikman natin."

"Akala ko naman eh gumawa kayo ng pamangkin ko." Halata kong nakasimangot sa kabilang linya si Sofia.

"Ikaw Sofia. Madami kang kasalanan sa kin. Ang dami mong kinuwento kay Voltaire. Pati birthday ko, alam nya. Mamya ka sa kin pagdating ko dyan. At anong pamangkin? 1st day ko kaya."

"Ay. Kawawa naman pala si Kuya V. Hindi man lang naka home base. Di bale, next week.. wala na ko. Pwede na kayong maghabulan dito sa condo. Or kahit dyan sa condo nya kayo maghabulan ng hubo't hubad." Tumatawang pang aasar ng kapatid ko.

"This is way too fast for me. I have to press on the brake on this one. I'm overwhelmed. And clingy sya."  Reklamo nya.

"Ay Ate. Anong gusto? Marathon ng mga pagong? Nakaka boring yun. Hindi naman kayo mga bata. You both are of legal age. May mga trabaho naman kayo. Kung mabuntis ka at maunahan mo si Kuya Baste, matutuwa pa yun kasi hindi na sya kukulitin ni Mommy. Alangan naman ako ang mabuntis? Heler! Jowa nga, wala. Semilya pa?  Clingy? Keri na yun kung sa yo lang naman sya clingy." Walang preno talaga si Sofia kahit kelan sa pag sasalita.

"Eh anong status nyo ni Chris?" Balik kong tanong sa kanya.

"Status? Single ako. Ewan ko sya. Hindi ko bet yun. Mabait naman, in fairness. But I don't have time for him because I'm leaving next week. He invited me for a dinner on Wednesday."

"Did you say yes?"

"I'm still thinking about it Ate..."

"Give him a chance Sofia. Aalis ka naman na eh. Pag sumunod yan sa Pinas, lagot ka. Do you want me to ask more about Chris from Voltaire?"

"I don't think so. Bakit naman sya susunod sa akin sa Pinas eh andito ang buhay nya. And no. Don't do that Ate Nik. Kaya ko sarili ko. Don't ask Kuya V about Chris. I can find out things about him if I want to."

"Bahala ka. Malaki ka na. But give him a chance. Mukha naman he's so into you."

"Kilig ka Ate? Ako hindi. Hahahahaha! Don't worry, I'll say yes to the dinner invitation. Paalis naman na ako eh. I have to let you go. I have errands to run. Please don't forget my kaldereta and my paella ok. Bye Ate!"

Voltaire Vin VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon