Chapter 10

261 6 0
                                    

A/N: Double update tayo guys. Nasa mood ang sisterette nyo mag sulat.

😊😊😊❤️❤️❤️
________________________________

Z Club Thursday night

Nagkita kita rin ang tatlong itlog. Dalawa ung tulala sa VIP room na nasa 2nd floor. 

Tulala#1, si Voltaire na iniisip si Viv.  Hindi nya talaga napigilan na hindi puntahan ang dalaga kagabi. Kahit alam nyang bawal sya.  Buti na lang at nagpunta sya dahil alam nyang mahirap pag lasing ang mga barkada nito. He's been closely monitoring using the CCTV ung table ng mga babae kagabi at nagbilin din sya sa waiter na no alcohol will be served for Viv.

One more day. Friday na bukas and he'll get to see his girlfriend. Nagkita man sila kagabi, sobrang bitin naman.  Sobrang miss na nya ung girlfriend nya. Sakto at wala syang surgery ng Friday kaya nagpa early out sya sa hospital.

Nagpaalam naman sya ng maayos na makikipag kita sya sa mga high school friends nya. Walang pahirapan sa pagpapa alam. Madaling kausap si Viv. Pumayag agad. Basta ang bilin lang eh don't drink and drive. Busy din kasi ang dalaga sa hospital and gusto ni Viv na sya mismo ang maghahatid kay Sofia and Arwen sa airport kaya naka day off ito ng Friday.

Nabanggit nya na her older brother is in town pero I can sense na ayaw nya or pwedeng hindi pa sya ready na mag meet kame ng Kuya nya.  No pressure.  Antayin ko na lang kung kelan sya ready.

Tulala #2, si Baste. Parang naririnig nya pa ung boses ng bata nung tinanong nya kung anong name. "S-seb Nikolai B-buenavista." Matatas magsalita ang bata, mahilig mag drawing ng building, pistachio ang favorite flavor ng ice cream at very smart.

Parang piniga ung puso nya nung humahabol si Seb sa kanya at umiiyak habang sumisigaw ng Papa. Walang nagawa si Avery. Napilitan tuloy si Avery na tawagan ung Nanay ni Seb para kausapin nito ung bata. Kumalma naman si Seb kaya sila nakaalis ni Viv.  Kailangan nya makipag usap kay Jax. Baka may update na to sa pinapahanap nya.

"Huuuuy! Ang lalalim ng mga iniisip nyo ah. Sana all." Pang aasar ni Edrick.

"Ang layo ng byahe papunta dito tapos tulala lang kayong dalawa? Ikaw Villareal, bakit hindi mo dinala dito? Hindi naman kame nangangagat tulad mo" sita nito kay Voltaire.

"No way pare. Ni dulo ng daliri non, bawal hawakan. That rule applies to you and to the rest of boys" Pananakot ni Voltaire.

"Sungit naman nito. Ikaw Monzante, nahanap mo na ba? 4 years na yata pare. Baka leche flan na yan or century egg" nakakalokong hirit nito kay Baste.

"Tigilan mo ko Da Silva. Palibhasa hindi ka busy."  Masungit na sagot ni Baste habang may ka text ito.

"Grabe kayong dalawa. Ang susungit nyo.  Ewan ko ba bakit ko kayo naging kaibigan."  Parang bata na napagalitan si Edrick. At dire diretsong uminom ito ng alak.

Nagkatinginan si Baste at Voltaire.  Nagtatampong pururot kasi si Da Silva. Hindi bagay. Dedma si Baste sa pag eemote ni Edrick. Okupado ng isang babae ang utak nya ngayon.  Last update kasi ni Jax, andito sa Amerika ung babae.

"Alam mo Da Silva, pag ikaw napunta sa sitwasyon namin ni Monzante, saka mo kame maiintindihan.  Baka nga mas malala ka pa sa amin at hindi ka namin tutulungan"  pang aasar ni Voltaire.

"Grabe ka Villareal. That hurts..." madramang sagot nito. "Ikaw na bahala sa mansyon mo.  Hindi pa naman un nasisimulan.  Ung condo mo, patapos naman na yun. Si Monzante na bahalang maghanap ng Engineer mo"  todo ang drama ni Edrick.

"Sige ok lang.  Kaya mo palang bitawan lahat ng mga projects mo kasi ako ung involved.  Tawagan ko si Mommy. Magpapatulong akong maghanap ng Engineer."  Nagtatampo kunwari si Voltaire.

Voltaire Vin VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon