Love Letter

910 30 3
                                    

Ken's Pov

Nandito ako dito ngayon sa may cafeteria kasama mga kaibigan ko.

"Ken bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Stell pero tinignan ko nalang siya.

"Aysusss kinikilig ang bata" Saad ni Josh. Parang mga ewan.

"Bat anlalim ng iniisip mo boi?" Tugon ni Pablo saakin.

Well ang inisip ko lang naman ang nangyare kanina.

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa may hallway kung saan ang locker namin.
Balak ko sanang lagyan ng chocolate at ng love letter yung locker ni Alicia.

Torpe na kung torpe pero wala akong confidence para umamin sakaniya.
Matagal ko ng crush si Alicia pero torpe pa rin ako hanggang ngayon.

Di naman ako masyadong mayaman kaya Cloud-9 nalang binili ko para sakaniya.

Isiniksik ko nalang sa gilid yung love letter pati nadin yung Cloud-9.

Nang matapos ko ng gawin yon ay bigla akong tumakbo at pumunta sa Cafeteria na parang walang nangyare.

Tsaka baka may nakakita pa sakin. Buti nalang nakaface-mask ako.

End of FLASHBACK

"Huy! Tulala ka naman!" saad ni Pablo habang kinakaway ang kamay niya sa harao ng mukha ko.

"Ano ba yang iniisip mo?" Tanong ni Stell.

"Wala" tipid na tugon ko sakanila.

"Sus! Wala daw!" Paghihinala ni Josh kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo Ken? Mukha kang Chicken!" Sabi naman ni Justin.

Ewan ko ba talaga sa batang to, Napaka kulit. Tsk palibhasa eh may crush lang kay Serene.

Napawi ang tingin ko ng biglang dumaan si Alicia sa table namin at nilagpasan nito.

____

Alicia's Pov

Pumunta kami ng tatlo ako sa Cafeteria at nakita ko ang table ng tropa nila Ken.

Ken is not a typical guy, He's so mysterious and quiet. He's not like the other guys who would flirt with girls and play them like a toy or like a sports.

"Huy! Ano tinitingin mo diyan? Ano order mo?" Sabi ni Rhianne. "Ahm ano..Uh... Fried chicken with garlic rice nalang hehe" Tugon ko sakanila at tumango naman.

"Ako rin! Ganun din order ko" Sabi ni Serene. "Sige ako na oorder at kayo pumili na kayo ng mauupuan natin" Sambit ni Rhianne at tumango kami.

Hinila ako bigla ni Serene hangga't sa madaan namin at malagpasan ang seat nila Ken kasama ang tropa niya.

My Secret Admirer [Completed] Where stories live. Discover now