Feelings

481 20 0
                                    

Alicia's Pov

Natapos na rin ang party at nagdecide kami na uuwi na.

"Ahm Alicia! Hatid ko na kayo!" Sabi ni Clarke samin.

"Ah sige" Sabi ko naman at tumango rin yung dalawa tsaka sumakay na sa kotse.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse ng bigla akong pinagbuksan ni Clarke.

"Sakay na Prinsesa" Sabi sakin ni Clarke at ngumiti ako. Why do I feel butterflies on my stomach?? Hayy Nevermind.

Ilang minuto ng pagdadrive ay nakarating na din kami sa bahay.

Bumaba na kaming apat at yung dalawa naman ay nagtakbuhan papunta sa pinto.

"Uh Clarke.. Thank you nga pala sa paghatid samin ah. Ingat ka rin sa pag uwi." Sabi ko at nginitian niya lang ako.

"Wala yun. Sige na at pumasok ka na sa loob. Tignan mo yung dalawa oh, Baka langgamin dahil satin" Sabi naman niya.

"hahaha Sira. Sige na una na ako" Tugon ko sakaniya at dumiretso sa pintuan.

Lumingon ako sakaniya tsaka kumaway at kumaway din naman siya pabalik.

Sinarado ko na ang pinto at natagpuan ko yung dalawa na nakatitig sakin.

"Bat niyo tinitignan?" Sabi ko.

"Kinikilig Awiiii" pang aasar nilang dalawa sakin.

"Heh! Maglinis na nga kayo" Sabi ko sakanila at umakyat sa kwarto ko.

Ok fine. Kinilig ako dun sa ginawa niya. Pero dapat erase erase yang feelings na yan.

Inalis ko ang gown ko at pumunta na ako sa banyo para mag linis.

Ilang minuto lang ang lumipas at tapos na ako mag linis.

Nag skin care na ako at pumunta sa higaan.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may nag chat sakin.

Clarke Samson Reyes
*Online*

Clarke:
Psst! Gising ka pa?

Alicia:
Yep! Matutulog na nga sana ako pero nagchat ka bigla eh

Clarke:
Ay ganun ba. Hehe, Sige tulog ka na

Alicia:
Sige ikaw rin

Clarke:
G'night sleep well ;)
Dream of me.

Alicia:
*Seen*

- - -

Sira talaga to si Clarke. Wiws. Bakit parang kinikilig ako?

Patulog na sana ako ulit nang biglang nagchat sa gc namin. Jusko po patulugin niyo na ho ako.

Matinong Tong Gc😀🔪
*Online*

Rhianne:
Yieee ikaw ahhhh @Alicia
Halatang kinikilig kanina ih

Serene:
Asfdghjkl Kelegg ekeeee senyo

Alicia:
Yan nanaman kayo, Pag kayo talaga
hindi makahinga sinasabi ko sainyo talaga

Serene:
Sorry na po mahal na 'Prinsesa' 🥴

Alicia:
Baka gusto mong ikaw gawin kong alipin? Ha Serene?? Sabihin mo lang.


Rhianne:
BWAHAHAHA I KENNAT WIT YU GUYS😭

Serene:
Hoi Alicia ah! Yu gigil me ah!

Alicia:
Gigil Reveal

Serene:
Ansama moooo

Alicia:
Wag ka papatalo syempre masama ka rin naman. Ikaw na nga ata papalit sa trono ni satan eh

Serene:
Oo at hihilahin kita pababa😊🔪

Alicia:
Oh tignan mo, Di nga talaga napalaki ng maayos ni Justin De Dios. Naging Dimunyo ka na.

Rhianne:
HAHAHAHA grabee
Antulis ng kutsilyo ni Serene😆

Serene:
Oo kasing tulis ng baba mo

Rhianne:
Aba! Gusto mong paduguin ko yang
bibig mo?

Serene:
Hatdog.

Rhianne:
Cheesdog!

Alicia:
Tatay nyo mga sabog!

Alicia:
Kinukulang lang kayo sa tulog. Mag situlog na nga tayo


Serene:
Sige goodnighttt

Rhianne:
Nyt nytyyy

- - -


Hayyy mga loko talaga tong mga to.

After naming mag usap ay natulog na kami. Hay jusko lord, pano ko ba naging kaibigan yung mga yun?.

My Secret Admirer [Completed] Where stories live. Discover now