Prom

477 25 2
                                    

Pumasok na kami sa loob at syempre andaming tao.

Nagseparate na kaming tatlo sa isa't isa dagil gusto daw nila mag picture.

"Boo!" pag gulat ni Clarke sakin.
"Gagi ka Clarke! Nagulat ako sayo!" Sabi ko at hinampas ko siya.

"Aray ko naman! Grabe ka naman mang hampas sakin" Sabi niya sakin.

"Ay sorry, Ikaw kasi eh. Yan gulat pa more" sabi ko at tumawa lang kaming parehas. Napagpasyahan na din namin na pumunta na sa may table namin.

____

Ken's Pov

Nag prepare na kaming apat at pumunta na sa may venue.

Nang nakarating kami, Natagpuan ko sila Alicia at yung dalawang kaibigan niya.

Natulala ako sakaniya ng ilang minuto at naisip ko na puntahan ko siya ngunit umepal na naman yung Clarke na yun. Tsk.

Nakita ko na nag tatawanan silang dalawa kaya nawala ako sa mood so nag walk out ako.

"Hi Langga ko" sabi nung babae. Tumingala ako at nakita ko si...Myra.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya.

"Para umattend ng prom at para maging partner mo" Sabi naman niya.

"Asa ka! Dun ka nga!" Sabi ko at tinulak ko siya.

"Bakit mo ba gusto si Alicia? Eh mukha namang kuto yon!" Sigaw niya sakin.

"Hoi! Manahimik ka nga! Wag mong pagsasalitaan si Alicia ng ganyan! Baka gusto mong tirisin kita dyan? Sinasabi ko sayo!" Sigaw ko at tinalikuran siya tsaka umalis.

Kapal naman ng peslak niya para sabihan si Alicia ng ganun. Palibhasa desperada.

Pumunta na ako sa loob dahil magstastart na ang prom.

"Ladies and Gentlemen! I would like to thank all of you for participating and attending this event. Everyone look stunning and gorgeous. Please step forward to the dance floor with your partner and allow me to play the music. I hope you enjoy this evening, That's all and thank you!" Saad nung Mc at nagpalakpakan naman.

Nang nagstart na ang music biglang nagsitayuan ang lahat at nagsayawan.

Samantalang ako, Nakaupo at nababagot.

Pati rin yung mga kaibigan ko eh nakikipag sayawan sa mga partner nilang babae.

Hays.

Nakita ko na lumapit si Clarke sa table nila Alicia at inalahad ni Clare ang kamay niya kay Alicia.

Agad naman itong kinuha ni Alicia at ang sumayaw silang dalawa.

Di wow.

My Secret Admirer [Completed] Where stories live. Discover now