Break Her Heart

417 16 0
                                    

Clarke's Pov

3 months ko nang niligawan si Alicia.
Di pa rin mawala sa isipan ko yung sinabi ni Myra sakin.

To be honest pinipilit ko na lang yung sarili ko na magkagusto kay Alicia eh. Pfft. Pinaglalaruan ko lang naman siya tsaka mas maganda naman si Myra kaysa kay Alicia.

Boring din siya kasama pero kagaya nga ng deal namin ni Myra, I have to make Alicia fall inlove with me and then break her heart.

Siguro naman sapat na yung 3 months na pangliligaw ko para mafall si Alicia sakin. The only thing that I have to do is to break her heart pero how??

At some point, Medyo naguguilty ako at naawa kay Alicia. She doesn't deserve this pero ano bang magagawa ko. Ang totoong gusto ko ay si Myra at hindi si Alicia. So in order para mapasakin si Myra, I have to do what she says.

Im sorry Alicia but I have to.

Nag text ako kay Alicia na pumunta sa  favorite restaurant namin, Kung saan kami nag dadate.

After naming mag chat I went upstairs para mag ready.

Siguro tatapatin ko na siya na ayoko na. Pero im still not sure kung paano ko yun sasabihin, Basta bahala na.
____

Alicia's Pov

Nagchat sakin si Clarke na pumunta daw kami dun sa favorite restaurant namin. I think this is the right time para sagutin siya.

3 months naman na siyang nanliligaw sakin eh. Nakakakonsesnya naman kung papahabain ko pa.

Nagready na ako at nagpaalam dun sa dalawa na mag kikita kami ni Clarke.

"asfdghjkl AYIEEEE SIGE NA PUMUNTA KA NA" sigaw sakin ni Serene.

"Mag iingat ka ah! Baka mahulog ka ng husto kay Clarke!" Sigaw naman ni Rhianne. Mga loko talaga tong mga to.

Naglinis ako tsaka nagbihis at umalis na papunta dun sa restaurant. Kinakabahan ako pero sige, gora na dis.

tatlong oras na akong nakaupo sa may table pero wala pa rin si Clarke. Triny ko rin naman siyang tawagan pero di sumasagot.

"Uh..Ma'am hindi pa po ba kayo oorder? Kasi po papagalitan po ako ng manager ko dahil nakatambay lang po kayo dito. Kung maaari pwede po bang umalis na kayo? Sensya na ho" Sabi nung isang waiter at umalis na.

Im done. Di na ako mag iintay pa. Anong oras na oh. Its already 7:30 tapos wala pa siya. How can he make me wait for 3 hours?!.

Paalis na ako sa may restaurant ngunit may nakita akong anino. Anino ni Clarke?.

Sinundan ko ito at natagpuan ko nasa isang hotel ako.

Anong ginagawa niya dito?

My Secret Admirer [Completed] Where stories live. Discover now