kαвαnαtα 26

1 2 0
                                    

Munting Hardinera
ᴅᴀᴛɪɴɢ ᴋᴀɪʙɪɢᴀɴ
𝚀𝚞𝚎𝚎𝚗𝙽𝚒𝚢𝚘

𝒯 ulala ang lola niyo na nakatitig lang sa librong ibinigay sa kanya ni ather, hindi niya alam kung anong nakain ni ather at pagkalabas nila sa library na 'yun ay sinabi nitong samahan siya sa kwarto ni ather at tuturuan siya nito ng mga salitang greyego, tapos ang hindi niya talaga ine-expect is 'yung sinabi nitong basahin ang librong, 'The Secret' like, god! bago niya pa nga lang natutunan ang mga letter by letters at word by word tungkol sa greek na language, tapos papaduguin pa naman pala ng batang 'yun ang utak niya.

ang masaklap pa, ay pinalabas na agad siya nito sa kwarto at binalaang 'wag siyang guguluhin dahil magpapahinga na ito, kaya pinili na lang ni abby na mag mukmok sa kwarto niya, bahala na kung saan siya lipadin ng mga iniisip niya, pero hindi niya lang talaga mapigilan ang mainis sa batang 'yun, hindi man lang naawa sa utak niyang ginisa sa pagtuturo.

Hustisya!

tumingin siya sa labas, ayos naman ang panahon, pero 'yung pakiramdam niya na para bang nanghihina siya sa 'di malamang dahilan, bakit kaya?

Ibinalik niya ulit ang atensyon na nasa libro at pinakatitigan ito ng matagal,

"Aanhin ko yan?" tanong niya sa sarili.

Ay! bobo ka talaga abby, kakainin mo 'yan abby, kakainin! malamang babasahin, 'asaan na ba 'yung utak mo? baka nasa talampakan na, pakikuha nga!

"Wala ako sa mood magbasa, itatago ko na lang 'to, mamaya na lang siguro." sagot niya sa sarili sabay kinuha ang libro na nasa lamesa at itinago sa ilalim ng kama niya, ganun naman talaga siya nung nasa mundo pa siya ng mga tao, mas bet niya na nasa ilalim ng kama ang libro niya, para madali niya lang maalala kung saan niya ba inilagay 'yung libro niya.

ng matapos niya na ilagay ay napili niya munang humiga sa kama, nakatitig lang ang mga mata niya sa malaking ceiling fan, maraming gumugulo sa isipan niya like;

Totoo bang may kambal ang prinsipe? ngunit ang malaking tanong, bakit parehas sila ng pangalan at mukha? saka 'yung tungkol dun sa mama nito, alam niyang hindi niya pwedeng panghimasukan ang tungkol doon dahil una sa lahat ilegal lang naman siya na kasintahan ng prinsipeng 'di niya totoong kilala at sa paningin niya, stranger pa rin ito, pero parang may nagtutulak sa kanya na parang may dapat siyang gawin, pero ang malaking tanong,

ANO?

dahil hindi niya alam, nakakagulo nang isipan, parang 'yung mga braincells siguro ni abby ay tuluyan na siyang iniwan.

Taksil!

isa din sa mga tumatakbo sa isipan niya is 'yung mga pinagsasabi ng misteryosang bata, masyadong matalinghaga itong kung manalita, daig pa nito si lola basyang, kainis ng batang yun! pinapahirapan pa talaga siya ng todo max, okay lang sana kung mga simpleng tanong lang, e, kaya niya namang sagutin yung ng walang pagdadalawa, pero putik lang yung hahanapin mo 'yung sagot, saan? sa pwet ng batang yun? god! feeling niya daig niya pa nagsolve ng kamatayang problems sa math, iniisip din ni abby 'yung tinutukoy nitong libro, ang tanong, anong pamagat ng libro? marami namang libro na pwedeng hanapin.

pero ang sarap din pokpukin ng bunbunan ni abby, e, kung tinanong niya kung anong tittle e hindi na sana siya nag iisip ng malalim, nahanap niya na agad yung kenemeng librong yun.

at saka isa pa din yung tungkol sa mga sumisigaw sa isipan ng tulong, bakit nakakaramdam siya ng ganto? e, nung nasa totoong mundo pa siya ng mga mortal e, ayos lang naman ang health niya, as in 100% tuldok, walang bawas.

at saka sa nararamdaman niya, ano ba talaga ang totoo? pwede na bang mag bigti si abby? pwede niya namang aminin na, na iinlove na siya. pero ang sabi naman ng kabilang isip niya, baka nag-aasume lang talaga siya, at saka, normal lang talagang kabahan siya, sino ba namang hindi kakabahan sa taong ganun kung makatingin, as in tagus tagusan lang talaga ang tinginan ni prinsipe garry kay abby, aba't hindi na 'yun makatarungan! chariz

Munting Hardinera   (Ongoing Story)Where stories live. Discover now