CHAPTER 1 New Year Dillema.Tsk!

60 1 1
                                    

Jade's POV

Antok pa 'ko.

Late na rin kasi ako nakauwi kagabi. Pa'no, ang traffic! Haish.

Pero kailangan ko na bumangon. May klase pa ako. Ayoko na ma-late, nakakahiya. First day pa naman ng pasok ngayong panibagong taon.

Kaya bumangon na ako. Patawad mahal kong kama, kailangan muna nating maghiwalay.T.T

Kaya naligo na ako. Pagkatapos ay nag-agahan. Hmmm. Sarap ng kape at pandesal sa umaga. Habang nagtu-toothbrush ako, iniisip ko na ang mga gagawin ko mamaya.

Papasok ako, may quiz kami sa Psychology mamaya. Pang-first year na subject yun pero ngayon ko pa lang kinukuha. Irregular kasi ako gawa ng work ko.

Oo, working student ako. 19 years old na ako, at unfortunately, second year college pa lang ako. Hindi dahil pabaya ako sa pag-aaral kaya second year pa lang ako. Mabait kaya ako. Wehehe.

Patigil-tigil kasi ako eh. Kakatrabaho. Syempre, wala naman akong ibang aasahan bukod sa sarili ko.

Pagkabihis ko, chineck ko na mga gamit ko at tsaka lumabas. Ni-lock ko pinto ng kwarto na inuupahan ko.

Nga pala, Last month hindi ako nakabayad ng upa. Tsk. Kasi namang mga project yan.

Di bale, gagawa na lang ako ng paraan.

Naglakad na ako papuntang sakayan ng trike. Isa na lang pala ang kulang, sakto ako na 'yun.

"'San po kayo?" Tanong ni manong driver.

"Sa sakayan po ng jeep papuntang Sikap," sabi ko. At ayun, byahe ng mga five minutes. Abot ng bayad

pagkababa, at syempre, pila para sa jeep. Daming tao, pasukan nanaman eh. Pero kapag regular days na, ok nang 'wag pumila.

Ayan nakaupo na. Mga 30 minutes ang byahe ko kaya pwede pa magbasa. Para di sayang ang oras.

"Bayad po, sa Raise po, estudyante."

Pagkaabot ko ng bayad, umayos na ako ng upo at kinuha ang notes ko.

Ay. Nga pala. Hindi niyo pa ako kilala. Bastos ko ba? Sorry nomon. Hoho.

Ako si Jade Marianne Alfonso De Vera. At sabi ko nga, 19 years old na ako. Nice meeting you.^_^

Physical aspects? Hmmm.

Lean ang katawan ko. Payatot pa nga sabi ni Sarah eh(palibhasa malaman siya. Haha). Hindi ako matangkad,pero 'di rin ako pandak. Hehe. Mahaba ang buhok ko,medyo maputi din ako.

Anak ako nina Ginoo at Ginang Jared James at Maricrisse Helen De Vera. Ang mama ko, super bait 'nun. Kaya lang kinuha na siya ni Lord eh.

Ang papa ko naman....hindi ko alam kung nasaan sya eh. Wala namang sinabi si Mama dati.

May stepfather ako.Sa kanila ako dati nakatira. Pero dahil may nangyaring kakaiba, lumipat ako sa tita Henny ko. Ayun isa pa 'yun! Super bait din.Kapatid sya ni mama. Lahi yata namin ang mababait. -3-

Review muna pala ako sa Psycho. Kamoteng 'yan. Hangdami pala. Haha.

Ayos na 'ko sa review. Ayan, nasa school na din pala ako.

Welcome sa Raise University. Ang cool ng name 'no? Haha. mgandang school ito kahit pa'no. Ito na kasi ang pinakamalapit na eskwelahan sa tirahan ko kaya dito na ako nag-aral. Kahit gusto ko 'dun sa magagandang university, 'di kaya ng bulsa ko. Baka pamasahe pa lang lagas na sweldo ko.

Tsaka ayos din naman dito, hindi man sikat, maayos naman ang pamamalakad kahit pa'no.

Ah. Scholar nga pala ako dito.Pero kulang pa rin talaga kaya kailangan ko pa din magtrabaho.

Till They Take My Heart Away (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon