CHAPTER 8 Trick or Treat?

14 0 0
                                    

Karren's POV

OMO!!!!!

Wula lang. Hehe.

Medyo kanina pa ako giddy and excited eh.

Naeexcite kasi akong makita si Je!!!!Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!

Pero Lord...sana talaga magka-work na siya..>.<

Matawagan nga muna si Sarah. Ichi-chika ko sa kanya. :D

*Calling Couz_Sarah*

Sarah:"*yawn* Oh Mayeh?"

Tamad talaga neto. Kakagising lang oh. Wala kasi siyang klase ngayong Biyernes. 

"Oy. Kung ayaw mong lumobo, tayo-tayo din 'pag may time. Kaninang umaga tumawag ako, sabi ni Tita tulog ka. Kaninang tanghali tumawag ako, sabi ni Tita tulog ka pa din. Ngayon namang alas-singko, kakagising mo lang? Ayos ka talaga eh 'no.

Sarah:"Eeeehhh...bumabawi lang ako....napuyat kasi ako eh.."

"Sauce. Lumalablayp kase. Ayan ang epekto niyan."

Sarah:"Uy grabe ka naman..hindi 'no.."

"Asus...I can hear your heart Miss.." Kunwari pa 'to. 

Sarah:"Ang cheesy mo Mayeh! Hahaha. Eh ba't ka nga pala napatawag?"

"Si Je."

Sarah:"A-anong nangyari kay Je???Nasaan siya??"

"'Wag kang OA. Ok lang si Je."

Sarah:"Eh kasi ikaw eh! Bigla-biglang sumeseryoso. Oh ano meron?"

"MAGKAKATRABAHO NA SI JE!!!!!!"

Sarah:"Talaga??WAAAAAAAA!!!!!"

At ayon. Naubos ang load ko sa pagsisigawan namin ni Sarah. The End.

Pero siyempre joke lang 'yon.

Sarah:"Saan?Kelan?Magkano sweldo niya???"

"Ah. Pwede isa-isa lang? Tsaka hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo, ok. Iinterviewhin pa lang si Je. Pupuntahan ko siya mamaya,sama ka?"

Sarah:"Oo sige! Sunduin mo 'ko mamaya ha. What time ba?"

"Uhm. Mga 7:30. Sige sunduin kita mamaya."

Sarah:"Sige!Kwento mo mamaya ha."

"Oo na nga. Sige na. Tawagan ko pa si Je."

Sarah:"Okies!"

'Yan. Si Je naman ang tinawagan ko.

*Calling Pretty Je*

Jade:"Oh?"

"Hindi ba pwedeng 'uh' o kaya naman 'ah' ang isagot ninyo sa akin? Puro kayo 'oh'ni Sarah."

Jade:"Ah...."

"Je!"

Jade:"Ano nga ba kasi yun?"

May narinig akong G.G daw. At may mga wagas na mura din. 

"Ano 'yun?Bakit andaming tao?"

Jade:"Yung mga nagdo-DOTA yun. Nasa computershop kasi ako. Nagre-research ako kaya sabihin mo na yang pakay mo."

"Naks 'pakay'.."

Jade:"Isa."

"'To naman oh. Joke lang eh. Ok sasabihin ko na. Mago-overnight kami ni Sarah mamaya." Ngayon-ngayon ko lang napagdesisyunan 'yon.

Jade:"Ah...."

"At doon kami sa apartment mo.^-----^"

Jade:"Ah...."

Till They Take My Heart Away (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon