CHAPTER 6 Hope's Down...or Up?

17 0 1
                                    

Jade's POV

Normal na araw na naman ang dumaan. Nasa Sideway's ako ngayon at nagtatrabaho. Wala pa din akong nahahanap na extra work. Hindi naman kasi ako pwede mag-full time dito kasi pang part time talaga yung sched ko dito. Next term pa ako pwede maging full time, kapag nirenew ko yung kontrata ko.

Eh next school year pa yun eh. Haay.

Inilapag ko na yung order nung mag-anak sa table nila. Nakita ko yung anak nila. Batang lalaki din, parang si Stephen. Ang cute talaga ni Stephen.

At ang gwapo talaga ni Ma--

"Miss,pa-order ako," tawag sa akin nung lalaki sa isang table. Pinuntahan ko siya. Trabaho muna bago ang kilig. >,<

"Ano po ang sa inyo sir?" Kinuha ko yung pen at notepad ko para ilista yung order. Hindi ako nakatingin sa kanya kasi may iniisip akong iba.

"Uhm. One large chocolate shake, a slice of chocolate cake, and two cinnamon bread." Nilista ko na ang order niya.

"At tsaka pala pa-order na din ng isang dosenang ngiti mo.:)"

Ha?Ansabe niya? Napatingin na ako sa kanya.

"^------^"---yan ang itsura niya. Ah. Siya pala yung customer namin nung isang araw. Fan ko yata 'to eh. Gusto niya lagi ako ang kumukuha ng order niya. Nags-stay siya dito hanggang matapos ang shift ko.

Tsaka pa lang siya uuwi. Stalker ko kaya siya? Hmmm.

"Uhm..ulitin ko lang po ang order ninyo sir ha? One large chocolate shake, a slice of chocolate cake, and two cinnamon bread. Yun lang po ba?"

Naku.'Tong customer na 'to. Pasalamat siya gwapo siya. Pero mas gwapo si Marcus. Haha.

"Tsaka yung order kong smile from you.^--------^" Luuh. 'Kala ko nabingi na ako. Kamote 'to ah. Pero in fairness. Napangiti ako kahit may problema ako ngayon.

"That's it. Much better.^-----^"

"Kunin ko na po yung order niyo. Wait lang po," ayun binigay ko na sa counter yung order niya. Nasa cash register si Karisa, katrabaho ko. Kinindatan ako.

Karisa:"Uy ah. Sino 'yun?Ngiti-ngiti pa sa iyo ha. Nakatingin nga dito eh. Boyfriend mo?"

"Ah? Hindi ko siya boyfriend. Makulit lang siyang customer. Pau, eto yung order niya oh," iniabot ko kay Paula, isa ko pang katrabaho, yung order nung customer na 'yun.

Paula:"Uy siya ulit?Kahapon nandito din 'yan eh. Pati nung isang araw. Naghahanap din yata yan ng part time na trabaho eh. Nag-apply yan dito. Iinterview-hin na nga yata siya eh."

Luh. Yung makulit na 'yun?Wew lang. 

"Ganun ba. Oh siya. Back to work na tayo." Umikot na ako ulit para sa iba pang order. 

"Jade," tinawag ako ni Sir Johann. Siya yung boss ko.

"Yes Sir?"

"Ah,kita mo yung lalaki 'dun?Pwede ba pakitawag mo siya?" Tinuro niya yung makulit na customer. Ow.

"Sige po," nilapitan ko yung lalaki at tinawag ko. Busy pa naman sa pagtetext habang kumakain nung inorder niya. Waw. Tatskrin ang fown. Eh bakit pa siya mag hahanap ng trabaho.

Mukha naman siyang mayaman. well. Wala na ako dun.

"Ah, Sir? Excuse me po. Pinapatawag po kayo ng boss namin, kakausapin daw po kayo."

"Wow. Sige pupuntahan ko,nasaan siya?^--------^" Mayaman nga siya. Mayaman sa ngiti. 

"Ayun po siya Sir," Itinuro ko si Sir Johann na nasa tapat ng office.

Till They Take My Heart Away (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon