Jade's POV
*Inat-inat*
Hmmmmm...sarap mag-inat. Tumingin ako sa wristwatch ko. 10:45 na pala. Tapos na ang shift ko. Makakauwi na din sa wakas. Miss ko na kama ko.
Maya-maya pa, on the way na ako pauwi sa apartment ko.Weeee.\\(*v*)//
Yep. Apartment ko. Solo ko. Hehe. Uhmmm. Dati sa tita ko ako nakatira. Super bait pa nga nun eh. ayaw akong paalisin. Haha.
---
*Flashback*
"Anong aalis? Saan ka pupunta?" Alalang tanong ni Tita Henny. Nagpaalam kasi ako na hihiwalay na ako ng tirahan.
"Ahm. Doon po sa bago kong bahay.Ay. Apartment pala. Hehe," Nakapagdown na ako dun sa apartment na yun eh. Matagal ko nang planong lumipat.
"Anong hehe? Marianne! Anong pinagsasabi mo ha? Anak naman! Paano ka sa apartment mo? Sino ang mag-aalaga sa'yo dun ha?O_O"
Yan ang sabi ng Tita Henny. Anak tawag nya sakin eh. Bait 'no? May tatlo silang anak ni Tito Jun. Si Heileene, si Jairus, at si Kevin. Panay college na din sila. Alam kong mahirap magpaaral, dadagdag pa ba ako sa gastos? Nakakahiya na eh.
"Oo nga Marianne. Hindi kami papayag na mag-isa ka dun. Kung ayaw mo na talaga dito, eh di isama mo na lang si Leene sa apartment mo," sabi pa ni Tito Jun.
"Tito...wala po akong sinabing ayaw ko na dito...bakit naman po ako aayaw? Ansaya kaya dito.^__^"
"Eh bakit ka aalis? Bata ka talaga oo," Hehe. Syempre Tito. Ako pa ba.
"Mahal ko po kasi kayo. Kaya ayaw ko na kayo pahirapan." Lumapit ako kay Tito at bumulong. Pumunta kasi si Tita sa kusina,kumuha ng pagkain.
"Ek kasi Tito,dadami na ang pag-aaralin nyo...ok lang po ako. Huwag niyo na pong pasamahin si Ate Leene sa akin...Siguradong aalagaan pa din po ako ni Tita dun eh..ayaw ko na po syang mapagod Tito...please po....>.<" Pakiusap ko kay Tito.
"Pero Jade...mahihirapan ka...tsaka alam mo naman na takot na ang tita mo dahil sa nangyari dati di ba?Paano kung--"
" Ayos lang po ako...kaya ko na po ang sarili ko...dadalaw din naman po ako dito eh. Hehe. Kaya please Tito...payagan mo na po ako," Eh kasi namaneh. Kailangan ko 'tong gawin kahit mahirap.
"Hay nako. Ikaw na bata ka. Kung hindi ka lang mabait.." Napangiti naman ako dun.Hihi. :D
Bumalik na si Tita sa dining. May dalang....huwaw! Ginataang bilo-bilo! Yumm yumm! *w*
"Tita..." Ayaw pa din kasi pumayag. :/
"Ay nako Marianne ha. Tumigil ka na." Ayan nagagalit na. Haha.
"Haay. Ma, hayaan mo na ang batang ito. Nakapagdown na daw sya sa apartment nya eh." Yep. Nakapagdown na ako. At tinulungan ako ni Tito.
Binigyan niya ako ng pandagdag sa bayarin. Ambait talaga.
"Ano? Pero Pa.." Nanlulumong sabi ni Tita. Kapag kasi sinabi ni Tito na ok, ok na din sa kanya.
"I'll ba fine naman po...tatawag ako o tatakbo papunta dito pag may nangyaring masama..." Nangako na lang ako.
"'Kuuu! Ikaw na bata ka talaga. Baka di ako makatulog nyan sa pag-aalala..."
"Tita, kaya ko po ang sarili ko. Alam nyo naman po yun di ba?:)"
"Haayyy. Ano pa nga ba..." Iiling-iling si Tita. Aww.
"Pero anak..kapag may kailangan ka...punta ka dito ha?O kaya magtext ka sa mga pinsan mo.Ha?"

BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away (ON HOLD)
RomanceSimpleng buhay lang ang gusto ni Jade. Kahit wala nang bonus na Lovelife, ok na. Pero kapag kumatok si Kupido at tumibok ang puso, may laban ka pa ba?May laban pa kaya siya? Handa ba siyang sumaya at masaktan?Matuwa at mahirapan?Ipagpalit ang fishba...