08

33 3 0
                                    

KATELYN POV

Nakalipas ang Ilang araw at birthday kona yehey! Bukas...

Nagbigay narin sila Mommy ng invitation card sa mga gusto naming dumating, dito nalang kami sa likod ng bahay namin magcelebrate dahil malaki naman ito kung titignan.

Hindi ko na tinawagan sila Rye at Hannah dahil hindi dadating naman sila bukas. Nandito mga kaibigan ko pati nadin si Ate Louise. Naguusap sila Mommy ng ididesign nila para bukas.

"Sweet sixteen yarn" pabirong sabi ni Andrei.

"Ay oo nga pala Katelyn 16 kapa lang pala, grabe ka Jake!" Siniko ni Liam si Jake na katabi niya lang.

"Gago magkaedad lang kayo!" Sigaw ni Jake at hinampas siya ng unan sa ulo ni Liam.

"Tch at least nauna akong nag16"

Napairap nalang ako ng bigla silang nagkagulo, hindi naman sila nagaaway at alam kong nagbibiruan lang ang dalawa kaya pinapanood ko nalang silang awatin ng iba naming mga kaibigan.

Ilang minuto ang nakalipas at nakaayos narin sila na parang walang nangyari, napatingin kami kay Ate Louise ng pumunta siya sa harap namin.

"Tapos na kayong magsakalan?" Sarcastic niyang pagtatanong. "Done na ako sa work ko dito kaya kayo naman—"

"Tch may gagawin kami" bulong ni Lance at napatingin si Ate Louise sakanya at nagsimulang pihitin ang tenga ni Lance.

Hindi naman inawat ng mga kaibigan namin o ako dahil hindi mo maaawat si Ate kapag si Lance na ang dahilan. Todo sigaw lang ginagawa ni Lance at natapos din iyon at may mga sinasabi pa siya.

KINABUKASAN...

Habang nagaayos ako dito ng mukha dumating naman ang mga kaibigan ko kaya pinatapos muna nila ang look ko bago kami iniwan ng makeup artist ko at lumapit sakanila.

"So ano? Maganda ba?" Tanong ko at pinagtinginan nila ako mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha ko.

"Ganda mo Kate, kung hindi ka lang siguro nililigawan ni Jake baka ako na manligaw sayo" mahinahon na sabi ni Liam at surprisedly hindi inatake ni Jake si Liam ngayon.

"Oh Dre bakit hindi mo inaatake si Liam, inaagawan ka ng Katelyn oh" pangaasar naman ni Andrei.

"Huwag na muna, baka bukas pwede pa sayang lang suit ko kapag ginawa ko nun, saka ako pa naman pinaka-gwapo ngayon dito saating lahat"

Napataas ang dalawa kong kilay ng bigla silang tumayo at kung saan pumunta at mukhang may tinitignan.

"Ganda pala ng dress mo Katelyn" si Anthony.

"Grabe ganda ng blower oh" si Liam.

"May gagamba pala dito" si Andrei.

"Have a nice lamp" si Ethan.

"Nice ng makeup, papamakeup ako mamaya" si Lance at pinagbabrush ang brush sa mukha niya.

Napayuko ako ng marealize ko kung anong dahilan ng ginagawa nila at nakita kong iniiwasan nila si Jake. Hindi interested si Anthony, Lance at Liam sa kung anong sinasabi nila. Si Andrei naman ay takot sa spider at wala naman ito sa tinuturo niya. Si Ethan naman obviously nonsense ang palusot niya.

"Hoy! Ang kakapal ng mga mukha niyo kapag kayo nagsasabing gwapo kayo hindi naman ganyan ginagawa ko sainyo ah! Tapos sakin.... Kakapal talaga ng mga mukha niyo" pagtatampo niya at binalik ang pagkakaupo sa sofa niya.

Tumingin ito saakin na nakabusangot ang nguso at kakunot ang noo, ngumiti nalang ako pero nagtss lang ang bibig niya at iniwas ang tingin niya sakin. Bumalik ang lima sa pagkakaupo sa tabi ni Jake at naririnig ko pa si Liam na tumatawa kasama si Anthony.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now