15

21 3 0
                                    

JAKE POV

"Aga-aga para kang tanga"

Hindi ko siya pinansin kundi nagkulombaba nakanga at nakatingin sa kisame ng classroom, morning na nakangiti.

"Tanginang 'yan inlababo ang dalawa" dinig kong boses ni Andrei.

Napatingin ako kay Ethan na nakangiti at pinapaikot ang ballpen sa kamay niya habang nakangiti, hindi ko nalang sila pinansin at ayokong masira ang araw ko ngayon.

Dumating ang subject teacher namin na sinusuri ang bawat upuan kung sino ang wala at saktong napunta ang paningin niya sa upuan ni Lance.

"Mister Valdez is not here again, kamusta siya Mister Villanueva?"

"He's fine Ma'am, wala naman daw pong nangyayari sakanya na kung ano kaya okay na po siya, hinihintay nalang magising"

"Si Miss Sanchez? Okay naba siya?"

"Opo Ma'am!" Sigaw ni Andrei at binatukan ko ito.

Napatingin ako sa paligid ko ng may mga nagbubulungan na mga kaklase namin, hindi ko pa alam kung maayos naba silang dalawa dahil hindi na ako nakakapunta sa hospital nung Saturday and Sunday kasi doon lang kami nagkatime ni Katelyn sa isa't isa.

"Kawawa naman ang dalawang 'yon 'no, Ilang beses silang nagpractice tapos magiging ganun ang kakagayan nila"

"Ma'am huwag kayong maawa dun, nagustuhan nga nila 'yon eh, tignan mo Ma'am isang buwan ng nakatulog" pagbibiro ni Andrei na ikatawa ng classmates namin.

Sinamaan namin siya ng tingin at tumagil na siya, pinatahimik na kami ni Ma'am at nagpatuloy na sa discussion niyang hindi naituloy dati bago magkaroon ng sport fest.

Pagkatapos ng mga subjects namin pumunta na kami kela Katelyn saktong pagkadating namin kalalabas lang nila.

"Katelyn!" Sigaw ko at tumingin ito sakin.

Iniangat pa niya ang salamin niya bago ito kumaway, pagkalapit ko yakapin ko na sana pero hinila ito ni Liam tapos umalis na, agad namang tumawa itong Andrei at dinuro pa ang mukha ko, sinipat ko nalang ang daliri niya at sumundo sakanila.

Pagkapasok namin sa cafeteria nagorader na kami at umupo na sila Rye at Katelyn sa dating naming table.

"Kamusta na kaya si Hannah?"

"Oo nga eh, Akala ko pa naman kung siya na 'yung magcha-champion sa sport fest ng bilyard"

"Bigla biglang nawawala"

"Asan na kaya siya?"

"Balita ko magkakaroon padin ng sport fest pero sa gymnasium ng school ang gagamitin, lahat ulit ng school pati sa ibang baryo magkakalaban"

Mga bulungan nila sa paligid namin, kahit ako hindi namin alam kung ano ng kakagayan ni Hannah, sabi ni Rye nasagasaan daw sa harap ng hospital ng sinamahan niyang idala si Lance sa hospital.

Nagorder nalang kami at bumalik sa upuan namin, habang kumakain kami naguusap naman ang mga kasama ko, sa sobrang ingay ni Andrei at Liam kaunti nalang mababatuksn namin itong dalawa ito.

"Kamusta na pala si Hannah?" Biglang tanong ni Anthony.

Iyon buti nalang natanong mo.

"Okay naman na, medyo mahirap lang makarecover dahil sa pagkakabanga sakanya, Sabi ng Doctor baka daw hindi na magising"

"Ha?!" Gulat naming tanong.

"Naku huwag kayong ganyan, hindi naman papayag 'yon na mamatay. May papatayin pa 'yun kaya walang paglalamayan" pagbawi ni Rye at tumango tango kami.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now