AMY'S POV
Anim na araw na kami ni baby Coley dito sa bahay ni mami Ruth at bukas na ang uwi namin. Maaga akong nagising dahil hindi ako pwedeng maging batugan dahil may anak ay este alaga ako na kailangang padedehin.
Bumaba na rin kami pagkaubos nya ang gatas nya, maghuhugas pa kasi ako ng mga bote nya.
"Jan ka muna baby ah? Huhugasan ko lang tong mga bote mo" Sabi ko nang maiupo ko sya sa high chair nya.
"Behave ka jan okay?" Halik ko sa noo nya at ibinigay ang favorite stuffed toy nya bago magsimulang hugasan ang mga bote. Don't worry mga fifol nasa tabi ko lang sya para kahit may ginagawa ako ay mabantayan ko pa rin sya.
Nagsaing na rin ako paggkatapos ko hugasan ang mga bote.
"Behave ngayon ang Ashley Nicole na yan ahh, bait yarn? HAHAHAHAHA"
"Daddadadadabbababa" Rinig kong sagot nya. Buti sana kung alam ko yung meaning nung mga sinabi nya.
Tinignan ko sa freezer kung anong pwedeng lutuin pero pagtingin ko ay puro isda, manok at karne na lang ang nandoon kaya tinignan ko na lang yung cabinet para tignan kung may de lata pa at bumungad sakin ang dalawang lata ng sardinas. Okay na rin to. May nakita naman akong tatlong itlog sa egg tray kaya naisip kong i torta na lang itong sardinas.
Pagkatapos ko magluto ay nagwalis na rin ako bago magpasyang gisingin si mami Ruth sa taas.
"Gisingin natin si mami Ruth dali" Sabay buhat sakanya.
"Mami Ruthieee" Katok ko sa pintuan ng kwarto nya
"Mami gising na, kakain na tayo"
Nahiga naman kami ni baby Cole sa tabi ni mami Ruth at ang batang to ay pinagsasapak ang mukha ni mami Ruth HAHAHAHAHAHA ayan very good.
"Aray ko Coley" Mami Ruth.
"Bangon na jan mi kain na tayo, nagluto ako ng almusal natin" Sabi ko
"Anong ulam ba ang niluto mo?" Tanong nya.
"Karni" Kunot ang noo naman syang tumingin sakin.