CHAPTER 6

60 6 0
                                    

STILL AMY'S POV

Nasa hotel na kami na pagmamay ari pala nila Jaydee at kasalukuyan na kaming nagpapahinga sa room namin kung saan kami mag s-stay ng hindi ko alam kung hanggang kailan.....'yong boss nyo kasi paladesisyon eh.



"Boss Jades, sigurado ka ba talagang dito tayo mag s-stay? Eh parang pang isang tao lang tong kama eh, kayo lang ni Coley ang kasya"



"Sino bang nagsabing ako at si Coley ang matutulog sa kama?"



"Jan kayo sa kama, ako sa sofa" Sabi pa nya bago ako iwan at pumasok sa banyo.



"Bastos talaga to amputa. Wala man lang pasabi na maliligo pala sya, edi nakisabay sana ako diba?" Bulong ko at umayos ng higa.



"Let's go" Sambit nya pagkalabas nya ng banyo at ihinagis sakin ang basang twalya nya na tumama sa mukha ko.....ambango beh oo. Ang yumm--



"Ano? Kakain tayo o hindi? Gutom na ako eh, sana ikaw rin" Muli nyang sambit at nauna nang lumabas nitong kwarto dala si Cole kaya agad din akong sumunod dahil gusto ko na rin kumain kahit kakakain ko lang kanina.







***

"Boss Jades, gusto ko pa. Damihan mo yung ano ahh, yung basta alam mo na yun. Di ko alam tawag nun eh basta masarap sya" Tumango naman to bago kuhanin ang plato ko na wala nang laman. Parang ako pa yung boss ah HAHAHAHA.



"Ang cute naman ng baby nyo" Sabi ng isang babae na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Ito yung babae sa kabilang table eh.



"A-ahh actually hindi nya ako mommy, yaya nya lang ako. Tsaka daddy nya yung nandun" Sabi ko sabay turo kay boss Jaydee na nagsasandok ng pagkain.



"Alam ko, di ko naman sinabing anak nyo eh, duhhh" Malditang sabi nya with matching irap pa. Eh same lang naman yung ibig sabihin ng sinabi nya eh depupu. Akala mo naman napakaganda eh napaka chaka naman, kamukha nya si Brenda! Brendamage!!



"I'm Madie nga pala" Pakilala nya.



"Hello" Walang gana kong bati bago isubo sa bibig ni Cole ang inihipan kong kanin.



Sakto naman ang pagbalik ni boss Jades nang paalis na sana si Madie🙄.



"Wow ahh, may new friend ka na" Manghang tanong nya sakin pero hindi ko pinansin.



"Uhm, yeah?" Madie.



"Btw Madie nga pala" Pakilala nya at inilahad ang kamay at ang gagong to tinaggap din 'yon at nakipag kamay kaya pulang pula ngayon ang mukha ni Madie.



Pwe!! Halata namang type nya si Jaydee eh! Kanina ko pa nahahalata tong babaeng to na tinitignan si Jaydee. Haliparot!! Hmpkk. Hoyy gagi selp wag kang ganyan, jowa ka tehh?! Pero kahit na. Ayokong maging step mother ni Coley ang babaeng yan if ever maging sila ni boss Jades, baka ma step ko yung mukha nya eh. Mukha pa namang step in.



"Hoy! bakit nakabusangot ka jan ha??" Tanong ni Jaydee.



"Eh kasi naman boss Jades, wala kang kinuhang sabaw" Saad ko bago sumubo ng pagkain.



"Sabaw? Wala namang sabaw dun ah"



"Meron kaya, nasa tabi ng mga mangkok, tasa, kutsara't tinidor tsaka mga plato" Giit ko at itinuro kung saan ako kumuha ng sabaw kanina.



"My goodness Amanda, hindi yon sabaw. Doon ini-sterilize yung mga nahugasan nang ginamit sa pagkain"



"W-weh? Seryoso ka boss Jades? Gag- kadiri"



"Naknang- panong di ko mapagkakamalang sabaw yun eh may nag f-floating na mga gulay. Ang dami pang repolyo kaya napagkamalan kong nilaga" Hagalpak na natawa itong kasama ko at halos lahat ng mga nakain dito ay nakatingin samin.



"Buset ka Amanda, ubusin mo na nga iyan para makapag pahinga na tayo sa kwarto" Utos nya bago kuhanin si baby Coley sa high chair.







***

Nagising ako dahil sa iyak ni Coley. Gutom na siguro to.



Pagkatapos ko syang padedehin ay nagpasya akong palitan na rin sya ng damit at diaper.



Habang pinapalitan ko ng diaper si Coley ay narinig kong nag ring ang phone ko at ang aking pinakamamahal na jagiya pala ang tumatawag. Problema nanaman kaya neto?



"Oh jagiya napatawag ka?" Tanong ko



"Jagiya ano kasi" Halata ang taranta sa boses nya. Ano nanamang katarantaduhan ang ginawa ng babaeng ito?!!!



"Ano?"



"Eh kasi ganto nga no mag s-story time ako" Huminga muna ito ng malalim bago simulang mag kwento.



"Nung kagabi, di ako umuwi sa bahay kasi nagkasagutan kami ni papa tapos nakitulog ako ngayon dito sa bahay ni mami Ruth at ngayon katatapos ko naligo and nilabhan ko yung mga marumi kong damit tapos jagiyaaaaaa. Di ko alam na yung panty ko nasa palangganang may sabon pa pala kaya ayun nung ibinuhos ko na yung sabon sa bowl nasama pati yung panty ko ehh hindi ko na makuha kasi nasa pinakaloob na tapos hinayaan ko na lang kasi ang alam ko nasa poso negro na pero jagiyaaaa tumae ako tapos yung tae ko hindi na maiflush"



"Gaga baka ayaw tanggapin yang tae mo HAHAHAHAHA" I joked.



"Di ka nakakatulong jagiya" Bakas sa boses nya ang inis.



"Baka naman kasi malaki talaga yung tae mo kaya ayaw mai flush" Biro ko ulit HAHAHAHA.



"Gago ka talaga!" Inis nyang sambit kaya natawa ako



"Basta i pump mo lang yan mamaya ma f-flush din yan" Sabi ko.





































----------

DAHIL BIRTHDAY NI AUTHOR, MAG U-UPDATE SYA TODAYYYY🥳🎉.

HAPPY JAYMY DAY!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Think I Love YouWhere stories live. Discover now