CHAPTER 2

78 18 3
                                    

SELA'S POV

Pababa na sana ako nang makita kong nakabukas ng konti ang pintuan ng kwarto ni baby Coley kaya sumilip ako dito. Nakita ko ang isang medyo pamilyar na babae na naka upo sa tabi ng crib. Ito siguro yung yaya ni Coley.



"Hi" Sabi ko na ikinagulat naman nito.



"H-hello po ma'am" Sabi nya pagkalingon sakin. Nakatalikod kasi sya kanina mga mare.



Nakatitig lang ito sa akin kaya pinitik ko ang noo nito. Naano ba to?



"Aray" Paghawak nya sa noo nyang pinitik ko. Napalakas ata ako ng pitik kasi namula yung noo nya.



"Nakatulala ka kasi, btw I'm Sela. Pinsan ako ni Jaydee. Call me ate Sela na lang" Pagpapakilala ko.



"Sino bang hindi matutulala kung may maganda sa harapan nya" Mahinang bulong nya.



"May sinasabi ka ba?" I asked



"A-ah w-wala po. A-ako naman po si Amanda, Amy nalang po itawag nyo sakin, ako po yung yaya ni baby Coley" Ngiti nya sa akin.



"Parang nakita na kita" Sabi ko habang inaalala kung saan ko talaga sya nakita. Hmmm san nga ba?



"Po? Nako po ma'am ay este ate Sela marami po akong kamukha dito sa mundo"



"Di, ano diba kasa kasama ka ni Bebang?" Tanong ko.



"O-opo, kilala nyo po sya?"



"Oo, halos palagi nga yun dito eh kaya parang kapamilya na rin namin sya" Sagot ko.



Masyado naming na enjoy ang pag kwe-kwentuhan at natigil lang yun nang marinig kong umiiyak si Sevi sa kwarto.



"Maiwan na muna kita Amy ha? Mamaya ulit bye" Paalam ko at nagmamadaling nagtungo sa kwarto.



"Owww ang baby na yan gising na, ikaw kasi eh madaling araw na natulog"



Pagkatapos ko sya mapaliguan ay bumaba na rin kami dahil nagugutom na ako at gusto ko nang kumain.


"BABY SEVIIII!!" Tili ng kadarating lang na si Coleen dito sa kusina.



"Ang ingay ingay mo Coleen, baka magising si Cole sa taas" Saway ko



"Ayy sorry ate nadala lang sa emosyon"



"Asan si Gabbo? Di ko kayo nakitang umuwi kagabi ah" Sabi ko sabay kagat sa sandwich na ginawa ko.



"A-ano k-kase.....ate kasi ano"












COLEEN'S POV


Pano ba matatakasan tong si ate Sela. Coleen mag isip ka bilis! Ayoko namang sabihin na natulog kami sa office ni Gabb tapos ano ahh basta nvm.



"Ay teka lang te may natawag. Hello? Oh ikaw pala ate Lara" Sabi ko at kunwaring katawag si ate Lara. Tinignan ko naman si ate Sela at parang hindi sya naniniwala. Ayan sige bogart mo selp.



"Teka lang ate Lara medyo choppy kasi mahina signal dito sa loob ehh. Ate Sela labas muna ako saglit ah" Paalam ko at umalis na sa kusina saka tumakbo pataas. Wewsss muntik na ako dun ahh.



Papasok na sana ako sa kwarto nang makarinig ako ng isang tinig. Wahhhhh ang sarap sa tenga nung boses nya.



Pinakinggan ko ng mabuti kung saan nanggagaling yung boses hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Coley. Hmmmmm. Sino yung kumakanta?



Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bumukas ito bigla kaya nagulat ako. Umayos naman ako bago nagsalita.



"Ikaw ba yung kumakanta kanina?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Syempre itanong muna natin baka yung mumu pala dito sa bahay yung kumakanta.



"Oo, pasensya na ahh, naistorbo ata kita dahil sa ingay ko. Hayaan mo sa susunod hihinaan ko na boses k-



"Pwede bang kumanta ka ulit?" Diretsong tanong ko dahil gustong gusto ko na talaga syang marinig na kumanta ulit. Nag pa cute pa ako sa harapan nya mga behh baka gumana.



"Dito tayo sa loob, kantahan mo ako" Hila ko sakanya at wala naman syang nagawa kundi magpahila na lang at umupo sa sofa na katabi ng crib ni baby Coley.














AMY'S POV

Luhhh sino kaya tong babaeng to? Ito siguro yung asawa ni Jaydee. Bagay naman sila ng konti. Oo konti lang no.



Ano pong kanta ang gusto mo ms.?"



"Coleen, Coco na lang itawag mo sa akin. Kahit ano na lang kantahin mo kasi gustong gusto ko talaga marinig yung boses mo" Sabi nya kaya napangiti ako sa huling sinabi nya at tumango tango bago magsimulang kumanta.



Pinakanta nya pa ako ng dalawang beses bago sya magpaalam na maliligo muna sya at babalik rin dito pagkatapos nya maligo. Nagmukha akong jukebox pre oo.



Sakto namang pagkalabas nya ay nagising na rin si baby Coley, infairness ang haba ng tulog nya ahh.



"Hello baby, ganda ng gising natin ahhh. Maganda ba yung panaginip mo?" Kausap ko sakanya habang tinitimplahan ko sya ng gatas sa bote.



Pagkabigay ko ng dede nya ay isinalpak nya agad iti sa bunganga nya, na tomguts ang bata HAHAHAHA.



Nag phone muna ako saglit habang hinihintay na maubos nya yung gatas nya, syempre tinitignan tignan ko rin naman si baby kahit nag p-phone ako. Chinat ko lang si mami Ruth at inupdate na rin syempre kung anong ganap dito.



Maya maya lang ay naubos na nya ang gatas nya kaya naglaro na muna kami. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ay may narinig ako na kung ano kaya napatingin ako sa sofa at nakita kong may tumatawag sa phone, idk kung kaninong phone ito. Agad ko namang binuhat si Coley at tumayo na para itanong kay Coco kung phone nya ito.



Saktong pagbukas ko ng pintuan ay sya namang pagbukas din ni Jaydee sa pinto  kaya ngayon ay medyo magkalapit ang mga mukha namin. May pagitan pa naman pre kaya wag kang mag alala.



"Hoyyy anong ginagawa nyo jan?!" Sigaw ng kung sino kaya napalayo ako ng konti dahil sa gulat.



"A-ahh kinakausap ko lang si Coley ate Abby"



"Nako ikaw Jaydong ha duma damoves ka sa yaya ni Coley ahh"



"Luhhh anong duma damoves ka jan? Tigil tigilan mo ako ate Abby ahh baka gusto mong isumbong kita kay ate Sela about sa nangyari nung isang araw"



Pre pwedeng mag tanong? Bakit nga ba ulit ako nandito? De joke lang HAHAHAHA.



"Kahit magsumbong ka di ako natatakoottt ARAYY MARSELA ANSAKIT TAMA NA!" Ate Abby. Wow ahh nakiki ate, fc ka gourll?? HAHAHAHAHA.



"Anong sinabi mo Trinidad paki ulit nga?" Nakakatakot pala magalit ang mga tamago no?



"W-wala yun love w-wag mo na pansinin yun A-ARAYYY!" Nanatili lamang akong tahimik habang pinapanood sila pero yung kaluluwa ko tawang tawa sa eksenang nakikita ko ngayon.



"Abelaine Batas "Tiklop sa Asawa" Trinidad HAHAHAHAHAHA" Tawa naman netong katabi ko. Natawa na din ako dahil nakakahawa talaga yung dolphin laugh nya pre.






























I Think I Love YouWhere stories live. Discover now