Part-35

12 3 0
                                    

***

Wyatt PoV*

"Hi Louise! " Bati ng aking kaibigan kay Louise gumanti naman ng bati si Louise dito Kaya halos abut langit ang ngiti nito.

"Aysus! . . .inlababo! " Pangaasar ko dito ng lumampas na sila Louise papunta pa kasi kami sa canteen, si ian kasi hindi pa kumakain kaya sasamahan namin sa canteen.

"Hindi ah!" Tanggi ng sinungaling kung kaibigan,

"Kaya pa!. ." Dagdag ko pa dito na kinangisi lang ng gag*.

"Ikaw ian! . . Panay pag papalipas gutom mo! Baka mag kasakit ka nyan! Panay ang diet mo!" Sermon ni Lincoln kay Ian,  hindi pa pala ito tapos sermunan si ian.

"Oo nga! . .baka imbes na pumayat ka mabaliw ka nyan ian!"  Dagdag na sermun ni Tyler dito kawawang Yanna walang magawa kundi ang kumamot sa ulo.

"Opo! Nay! Tay!" Pang aasar na sagot ni ian sa dalawa na akmang papaluin ng dalawa ito.

"Sino ang tatay?" Tanong ni Tyree

"Sinong Nanay?"  Dagdag tanong ni Zoe na tumatawa na rin katulad namin.

"Aahh! . . Ganun!?" Sabay na sigaw ng dalawa pag kasabi nun akmang dadambahan nila kami kaya tumakbo kami habang tumatawa pa rin kaya ang lagay nakarating kami sa canteen na tumatakbo ang mga studyante napapatingin sa amin well lagi naman, ang gwapo ko kasi.

Nang makapasok kami sa canteen halos kunti na rin ang mga studyanteng kumakain malapit na kasi mag time. Naupo kami sa bakanteng lamesa doon sa may gitna.

"Ako na mag order!" Si Tyree saka ito tumayo sumama naman dito si Axel pinaupo na lang kami ng dalawa sila na lang daw mag order.

"Hindi pa kayo nakain?" Tanong ni ian sa amin.

"Kumain na kami! Hindi kami katulad mo na nag da-diet!" Singhal ng parents ni ian haha bagay silang tawagin magulang ni ian.

""Ty. . . Lin! . . .tigilan nyu na si Yanna! " Natatawang saway ko sa dalawa saka inakbayan si Zoe katabi ko kasi sya, ang mag katabi naman si Lincoln at Tyler sa gilid ni Lincoln may bakanteng upuan saka gilid ko din kung saan naka upo kanina si Axel, nasa gitna naman si ian nila Zoe at Tyler na magkatapat ng upuan pahaba kasi ang lamesa na inuukupa namin.

"Saka busy ako kaya di ako naka sabay sa inyu?" Ani ian saka ngumiti sa dalawa na agad nawala ang inis dito,

"Look Yan!. . . Sikat na sikat ka talaga dito sa campus natin!" Sabi ni Zoe saka inabut kay ian ang cellphone nito nang maabut naman ni ian at tingnan ang cellphone natawa na lang ito.

"Mas maganda ian kung may account ka na din" si Tyler na nakitingin din sa tinitingnan ng dalawa.

Sa sinabi ni Tyler inilabas ni ian ang lumang cellphone nito at nag wika ng, "Okay gagawa na ako!" Sabay tawang sabi nito na kinatawa rin namin ayaw kasi nitong tanggapin ang mga binibigay namin.

Maya-maya pa dumating na ang dalawa drinks lang naman sa amin si ian naman binilhan nila ng burger at apple saka fries.  Matapos mag pasalamat sa dalawa masayang nag kwentuhan na kami habang iniinum ang drinks namin at kumakain si ian.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon