Chapter 6

13 0 0
                                    


Idol 

Nilikom ko ang aking mga gamit nang makarating na kami sa bahay. He brought out a wine and wiggle his brows.

"Oh! You know that you don't have to bring anything, right?"

"Right! But I want to bring something para naman may maibigay akong kapalit sa pag-imbita mo sa akin ngayon."

"Your presence is enough though... but still! Thanks for that."

He nodded, suppressing his smile. Napailing nalang ako rito dahil hindi ko naman alam kung ano ang ngitningiti niya.

"Ako na r'yan," saad niya at kinuha sa akin ang pinamili namin kanina.

"Nasa taas na sila Sir Jake, Rai," saad ni Hetti sa akin nang makita ako sa loob ng bahay. She bowed down when she realized that I am not alone.

Kilala na ang lahat ng kaibigan ko rito sa bahay at sila lang talaga ang nadadala ko rito bukod nalang kung may school project na dito kailangang gawin kaya't nakakapanibago na magdadala ako ng bagong mukha rito ngayon.

Lola Pia looks at Zolen as if she was scanning his whole personality. Napailing ako sa inakto ng matanda. Lola Pia was like a grandmother to me, she was also protective gawa nalang na siya ang kinalakihan kong kasambahay dito. She was my personal maid before so basically, she was the one who raised me along with dad, of course.

"Zolen, that's Lola Pia," bulong ko rito dahil mukhang hindi niya napansin ang presensya nito dahil nagtitingin siya ng mga pictures.

Agad naman siyang bumaling kung saan ko tinuro. Kaagad na sumibol ang matamis na ngiti nang lapitan niya ang matanda para magmano rito.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon rin sa'yo."

"Hmm, kasingganda niyo po ni Aia ang hapon, Lola Pia," saad nito. Hindi niya pa binibitawan ang kamay ni Lola Pia kaya napangiti ako nang bahagyang lumambot ang tingin sa kaniya nito.

"Bolero ka, hijo." Tumikhim si Lola Pia matapos niyang ihead to foot si Zolen. I giggled at what she did. "Bagong kaibigan ka ba ni Raiah?"

"Opo, 'La. Kung hindi niyo po napapansin ay ako po ang madalas na maghatid sa kaniya noong nakakaraan." Bida nito. "Hindi ko nga lang po nahatid nung nakaraang linggo dahil hindi po kinaya ng oras dahil kailangan ko pa pong magbasa basa para sa exam."

"Ganoon ba? Edi kailangan niyo talaga ng liwaliw ngayon. O siya, siya. Magtungo na kayo roon sa taas at ako na ang bahala sa dala mo, hijo," sabi ni Lola Pia at saka kinuha ang wine na dala ni Zolen.

"Hetti, would you mind accompanying Zolen to the rooftop? Magbibihis lang ako," tawag ko sa kasambahay namin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero parang nagningning ang mga mata nito nang sabihin kong sasamahan niya si Zolen sa taas.

"Don't do anything nasty, okay?" pabiro kong saad kay Zolen before I eyed Hetti. Hetti was looking at Zolen's back when I eyed her that's why she didn't see me. I just gave them a smile before I went to my room.

Halata naman sa pagtingin ni Hetti ang pagkagusto sa lalaki. Hetti was around our age and she works here with Lola Pia. Unlike me, Lola Pia and her were related by blood. She was here last week and now that we're at this age, I think she really likes boys like him.

At dahil nga nalalapit ang aming mga edad ay madali siyang nakihalubilo sa aking mga kaibigan. Kaya nang makarating ako sa taas ay naka-upo na si Hetti kasama sila Nics habang nagtatawanan. She was sitting between Zolen and Jake habang si Nics naman ay nasa harap nila.

Soft Innocence (Shattered Pieces Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon