I'm using my real account nang makilala ko siya sa mundo na tinatawag nilang RPW.Isa siyang random writer,hindi lang basta writer kundi magaling na writer.Natatandaan ko,ako palang ang reader niya noon kasi bago palang siya na writer sa Rpw.I'm his number one reader.Number one commenter.Number one supporter.
Palagi kong inaabangan kung kailan siya mag update ng kanyang kwento. Walang mintis. Hanggang sa nag message siya sa akin.
"Magandang gabi sa iyo binibini. Salamat sa palagi mong pagsuporta sa mga sulat ko.Take care."
Simula non lagi na kaming magka-chat.Sa unang araw ng pag cha-chat namin ang gaan ng loob ko sa kanya,to the point na halos lahat ng nangyari sa buhay ko naikwento kona sa kanya.He always listen,and give a piece of advice na ikinagagaan ng pakiramdam ko.
Every night lagi kaming nag uusap,kahit busy siya sa mga supporter niya.At syempre ako ang unang supporter at reactor niya.
One day ang lungkot ng gabi ko ang daming problemang iniisip,.Nag kwento ako sa kanya at hindi siya nagsasawa sa pakikinig.
"May ibibigay ako sayo," sabi niya ng matapos kong sabihin ang problema ko.
"Ano 'yon?Dali excited na ako."
"Ok.Wait sa minute."
After a couple of minutes naka recieve ako ng notif galing sa kanya,tinag niya ako sa post,inopen ko at binasa .Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko habang naka ngiti sa nabasa ko.He made me a poem.
"Alam kong malungkot ka sa oras na ito.Pero maari bang pakinggan mo ang hiling ko?Yon ay ang ngumiti ka kahit ang gulo. "
"Hindi man kita makita at mahaharap.Tandaan mo handa akong makinig sayo dahil itoy karapatdapat."
Simula noong gabi na yon pakiramdam ko hindi ako ng iisa,pakiramdam ko ang lapit-lapit ko sa kanya.
YOU ARE READING
Mr. Writer (Completed)
Short StoryIsang babaeng mambabasa nagkagusto sa isang writer na lalaki sa mundo na kung tawagin nila ay Rpw. Mundong hindi totoo.Mundong puno ng kasinungalingan ngunit hindi sa isang tulad ni Moon Daphiane. Hindi man totoo ang kanyang pagkatao ngunit totoo na...